Rome Statute, hindi kailanman umiral sa Pinas- Pangulong Duterte
- Published on July 30, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nailathala sa Official Gazette ang ginawang paglagda ng Pilipinas sa Rome Statute, nagtatag sa International Criminal Court (ICC), kaya’t maituturing na hindi ito kailanman umiral sa bansa.
“The executive department has no copy. That’s because what happened was from Congress — Congress ratified it — instead of returning the treaty as ratified by Congress to the executive department, they short-circuited it. They went straight to Rome and appended the Philippine participation,” ayon sa Pangulo sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng gabi.
“There’s no publication in the Official Gazette. When there’s no publication, there’s no jurisdiction. There’s no recorded publication. According to the Supreme Court, the absence of a publication in the Official Gazette is always fatal,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.
Taong 2018 nang magdesisyon si Pangulong Duterte na kumalas ang Pilipinas bilang signatory sa Rome Statute na kumikilala sa International Criminal Court (ICC) matapos siyang pagtulungang atakihin at batikusin ng United Nation (UN) special rapporteur Agnes Callamard at UN High Commissioner on Human Rights Zeid Raad al-Hussein kaugnay sa sinasabing paglabag nito sa karapatang pantao kaugnay ng inilunsad na drug war ng gobyerno at palabasing masama ang kanyang imahe at walang-puso na lumalabag sa karapatang pantao.
“The attempt to place me under the jurisdiction of the ICC is a brazen display of ignorance of law. The ICC has no jurisdiction nor will it acquire jurisdiction over my person,” giit pa ni Pangulong Duterte.
“The very considerations upon which the PH agreed to be a signatory to the Rome Statute have not been observed nor complied with hence the PH hereby withdraws from the Rome Statute,” dagdag na pahayag nito.
-
Sa ‘di pa malamang kadahilanan: Veteran actor na si RONALDO, pumanaw na sa edad na 77
NAKALULUNGKOT na balita ang sumalubong sa publiko ilang araw bago ang Pasko… namayapa na ang batikan at multi-awarded actor na si Ronaldo Valdez Ayon sa report, mismong ang Quezon City Police District ang nagkumpirma sa naging pagpanaw ng aktor sa hindi pa malamang kadahilanan. Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay wala pa […]
-
Sinulat ang ‘Binabalewala’ para sa mga hopeless romantic: ANTON, ‘di malilimutang nabalewala dahil sa kanyang height
INI-RELEASE na ng singer-songwriter na si Anton Paras ang kanyang bagong komposisyon na may titulong ‘Binabalewala’ na mula sa AltG Records. Binubuo at isinulat niya ang kanta noong kalagitnaan ng 2021. Tungkol ito sa mga taong gumagawa ng maraming pagsisikap na ipakita ang kanilang mga damdamin patungo sa kanilang bagay ng pagmamahal ngunit […]
-
Isabela muling maghohost ng Patafa Open
ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela. “Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this […]