Romnick, Elijah, Enchong at Carlo, maglalaban sa Best Actor: DOLLY, napili na maging Jury Chair sa ‘1st Summer MMFF’
- Published on April 11, 2023
- by @peoplesbalita
NGAYONG Martes, ang Gabi Ng Parangal ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF) na gaganapin sa New Frontier Theater sa Quezon City.
SA ang Jury Chair nito para sa dalaga nitong pinili ng MMFF Execom si Dolly de Leon, na isang internationally acclaimed Filipino film, television, and theater actress, bilang Jury Chair.
Nakilala si Dolly sa mga pelikula niyang “Verdict”; “Historya ni Ha”; at nakakuha ng mas matinding pagkilala dahil pagkapanalo niya ng Palme d’Or dahil sa “Triangle of Sadness.”
Sa kanyang nakapahusay na pagganap sa “Triangle of Sadness”, siya ang first-ever Filipino actor na na-nominate sa British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) at Golden Globe Awards.
Last May 2022, pumirma si De Leon sa US-based artist agency na Fusion Entertainment, at naka-line up siya sa mga pelikulang internasyonala, isa rito ang “Grand Death Lotto,” na ididirek ni Paul Feig, na pagbibidahan nina John Cena, Awkwafina, at Simu Liu.
Inaasahang kikilalanin ng Gabi ng Parangal o awards night ang artistic at technical merit ng eight movies na kalahok: Brillante Mendoza’s Apag, Chris Martinez’s Here Comes the Groom, RC delos Reyes’ Unravel: A Swiss Side Love Story, Fifth Solomon’s Single Bells, JP Habac’s Love You Long Time, Jun Robles Lana’s About Us, Not About Us, Joven Tan’s Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, and Bela Padilla’s Yung Libro Sa Napanuod Ko.
Bet naming maglalaban sa Best Actor sina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas (About Us, Not About Us), Carlo Aquino (Love You Long Time), at Enchong Dee (Here Comes the Groom). Sa Best Actress naman sina Kylie Padilla (Unravel: A Swiss Side Love Story), Gladys Reyes (Apag) at Bela Padilla (Yung Libro Sa Napanuod Ko).
Sa tingin namin, mahigpit namang maglalaban sa Best Film, Best Director, at iba pang awards ang ‘About Us But Not About Us’ at ‘Love You Long Time’.
Ang December at Summer MMFF ay in-organize ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), and in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines, primarily with the intention to “promote the preservation of Philippine cinema.”
Magbe-benefit sa proceeds mula MMFF ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc., Motion Picture and Anti-Film Piracy Council, Film Development Council of the Philippines at Optical Media Board.
Alamin kung sinu-sino ang mananalo at makapag-uuwi ng tropeo ng karangalan ngayong 8 p.m. (April 11), telecast ito sa OnePH at may delayed telecast sa TV5 at 10:45 p.m.
(ROHN ROMULO)
-
3 huli sa aktong bumabatak ng shabu sa Valenzuela
TATLO, kabilang ang 20-anyos na bebot ang arestado matapos mahuli sa aktong mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng kanilang lungga sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Sub-Station 6 Commander PCPT Manuel Cristobal ang naarestong mga suspek bilang sina Manuelito Lopez, 47, construction worker, Yazzer Tizon, 36, kapwa […]
-
Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd
PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5. Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020. Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]
-
‘Friends’, nai-record uli after four decades: JACKIE LOU, labis-labis ang pasasalamat kay SHARON sa kanilang duet
PAGKARAAN ng apat na dekada, muling nai-record ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang ’80s hit na “Friends,” na kung saan kasama ang matalik na kaibigan na si Jackie Lou Blanco. Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi nga niya ang ilan sa mga lines ng song, na isinulat ni George Canseco para sa kanilang 1983 […]