• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Romualdez, nabahala sa pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy

NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang.

 

 

Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait.

 

 

“I just want to find out mula sa DFA at DMW ang tunay na dahilan sa aksyon ng Kuwait”,  ayon sa House Speaker.

 

 

Nauna ng sinabi ng Kuwait na hindi tumupad ang Pilipinas sa “bilateral agreement” ng dalawang bansa.

 

 

“We want to be clarified anong parte o portion ng nasabing agreement ang hindi natin tinupad kung meron man”, ani Romualdez.

 

 

Dagdag pa ng lider ng Kongreso, “ hindi lang kasi ilang OFW ang apektado sa utos na ito kundi hundreds of Filipinos”.

 

 

Matatandaan na ipinatupad ang ban sa mga OFW na magtatrabaho sa Kuwait nitong Pebrero matapos ang pagpatay sa OFW na si Juleebee Ranara noong Enero.

 

 

“Pero of course, our priority is the safety ng mga kababayan natin rather than work”, pahabol ni Romualdez. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 17, 2021

  • Mananakay mas makikinabang sa motorcycle taxi law

    MAS MAKIKINABANG umano ang mga mananakay sa sandaling maisabatas ang motorcycle law dahil makakahikayat pa ito ng pagpasok ng motorcycle companies sa bansa.     Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng sa joint public hearing ng Senate committees on Public services and Local government kaugnay sa panukalang pag-regulate at […]

  • Minimum wage sa NCR ‘di na sapat, regional wage boards kailangang mag-review na – Sec. Bello

    NANINIWALA  si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng hindi na sumasapat ang minimum wage sa National Capital Region (NCR) para sa mga manggagawa at sa kanilang pamilya dahil sa mahal ng presyo sa mga produktong petrolyo at iba pang bilihin.       Inihalimbawa ni Bello ang kasalukuyang daily minimum wage sa National Capital […]