Rookie card ni LeBron posibleng maibenta sa $1-M sa auction
- Published on June 22, 2020
- by @peoplesbalita
Posibleng umabot sa mahigit $1 million ang presyo sa auction ng pirmadong rookie card ni NBA star LeBron James.
Ayon sa Goldin Auctions ang LBJ 2003-2004 Upper Deck Exquisite card ay isa sa 23 nagawa kung saan ito ay pang-14.
Mayroong kondisyon ito na 9.5 o tinatawag na “gem mint” at good as new.
Pirmado mismo ni James ang card na kulay asul na tinta at bukod pa dito ay mayroong actual patch mula sa jersey nito sa Cleveland Cavaliers.
Noong 2003-2004 ay mayroong 21 points per game, 6 assists at 5.5 rebounds ang average ni James at sa taong din yun ay nakuha niya ang Rookie of the Year.
Sisimulan ang pag-bidding sa Hunyo 22 sa card na may size na 2.5 inch by 3.5 inch.
Inaasahan ng Goldin Auctions na malalampasan ng LBJ card ang ultra-rare card ng baseball great na si Mike Trout na naibenta sa halagang halos $923,000.
-
Pangunguna ni VP Leni sa isang Presidential survey para sa 2022 elections, wishful thinking lang-Malakanyang
PARA sa Malakanyang, wishful thinking lang ang lumabas sa isang presidential survey para sa 2022 elections kung saan nanguna si Vice President Leni Robredo. Batay kasi sa PiliPinas 2022 Online Survey Platform for Presidential Candidates, nanguna si Robredo makaraang makakuha ng 34.27 percent na boto, pangalawa si Davao City Mayor Sara Duterte na may […]
-
Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER
MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista. Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, […]
-
Hinay-hinay sa pagbaba sa ‘lockdown status’ ng Metro Manila
Nais ni Department of Health (DOH) at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa ng ‘lockdown status’ ng Metro Manila dahil sa napapaulat ngayon na mas mapanganib at nakakahawang variants ng COVID-19. “Wala pa tayo sa out of the woods. Hindi pa tayo nakakalabas kasi gradual decrease natin kasi […]