Roque: walang pruweba na mag-uugnay kay pdu30 sa Davao Death Squad
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG pruweba na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa vigilante killings sa kanyang bayan sa pangunguna ng Davao Death Squad (DDS).
Nauna na kasing sinabi ng International Criminal Court’s (ICC) pre-trial chamber na nakikita nito ang ugnayan sa pagitan ng patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang nationwide war laban sa illegal drugs ni Pangulong Duterte.
“I investigated the Davao Death Squad. I concluded that while the Davao Death Squad does exist, there is no evidence linking the President to the Davao Death Squad,” aayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Bago pa nahalal bilang Pangulo, si Duterte ay isang Davao City mayor mula 1988 hanggang 1998; 2001 hanggang 2010, at 2013 hanggang 2016.
Kaya minaliit lamang ni Sec. Roque ang naging pahayag nina self-confessed DDS members Arturo Lascañas at Edgar Matobato tungkol sa sinasabing utos di umano ni Duterte na pagpatay sa Davao City.
“I knew about them even before. We went to the site where they allegedly buried bodies. We only found the skeleton of a dog,” ani Sec. Roque.
Ayon sa ICC pre-trial chamber, nakita nito ang “certain pattern” sa Davao killings at sa nationwide drug war na kinabibilangan ng “systematic involvement of security forces.”
“In the assessment of the chamber, there exists information sufficiently linking the killings in the Davao area in 2011 to 2016 to the relevant facts of the so-called war on drugs campaign,” ayon sa pre-trial chamber sa kanilang naging desisyon na payagan ang pormla na imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration.
Samantala, sinabi naman ni Sec.Roque na malabong umusad ang imbestigasyon ng ICC sa war on drugs ng administrasyong Duterte dahil hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa ICC. (Daris Jose)
-
Walang Gutom Kitchen, naghahanap ng volunteers at donasyon – DSWD
NAGHAHANAP ang newly-opened Walang Gutom Kitchen food bank ng food donations mula sa restaurants at fast food chains at maging ng mga volunteers. Sa katunayan, sa video message na naka-post sa kanilang social media pages, nananawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga interesadong donors at volunteers […]
-
Online PSC National Sports Summit tuloy sa Miyerkoles
TULOY ang pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit sa isang tatlong-bahagi na programa na may serye na lingguhang sesyon sa online simula sa Miyerkoles, Enero 27. “We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were […]
-
OSY, kabataang tambay nagtapos sa Tech-Voc Skills sa Navotas
MATAGUMPAY na nakapagtapos ang limampu’t siyam out-of-school at walang trabahong kabataang Navoteño ng libreng skills training mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. Kabilang sa mga ito, ang 20 na nakakuha ng national certification (NC) II sa Shielded Metal Arc Welding, habang 20 naman ang pumasa sa NC II assessment para […]