Runway banderang tapos!
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
PINASINGHOT ng alikabok ni Runway ang mga karibal sa banderang tapos niyang pamamayagpag sa kakahagibis na Philippine Racing Commission Lakambini Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Nirendahan ni class A rider MM Gonzales ang tumawid sa metang kabayo sa tiyempong isang minuto’t 40 segundo sa 1,600-metrong hagaran at nagkaloob sa may ari sa kanya ng gantimpalang P600,000.
Pero umangas ding bahagya si Radio Gaga sa unahan at sa far turn kasabayan si Beli Bell na mga bitin lang ang mga pagtatangka.
Binulsa ng Radio Gaga horseowner ang P225,000 cash prize sa pagsegundo, P125K sa Cam From Behind sa pagtersero at P50K sa Calbayog sa pagpang-apat.
Suportado ang karera ng Komisyon ng Karera sa Pilipinas (KKP) o Philippine Racing Commission (Philracom). (REC)
-
Hidilyn, magsasanay muli sa Malaysia para sa torneyo sa Peru
Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan. Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre. Ayon kay Samahang Weightlifting ng PIlipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din nito ang […]
-
P500 ayuda sa mahihirap ibibigay na ngayon – DSWD
NANGAKO si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na simula ngayong araw ay matatanggap na ng ilang mga mahihirap na kababayan ang ipinangako na P500 ayuda ng pamahalaan bilang tugon sa tumataas na presyo ng bilihin sa bansa. Target ng DSWD na maibigay sa 12.4 milyong Pilipinong benepisyaryo sa […]
-
MV ng ‘Cherry on Top’, higit 8 million views na: BINI, nag-trending na naman dahil sa pagbatikos sa kanilang outfit
NAG-TRENDING nga ang sikat na Pinoy girl group na BINI dahil sa pagbatikos ng ilang netizens. Isang video ang nag-viral na ipinost sa isang P-pop group kung saan makikita ang members ng BINI na naka-cap, shades, at face masks, na napaliligiran ng kanilang security escorts nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport. May mga […]