Russian at Belarusian pwedeng sumali sa 2024 Paris Olympics
- Published on January 28, 2023
- by @peoplesbalita
Kinontra ng Ukraine ang pagpayag ng International Olympic Committee (IOC) na makapaglaro sa 2024 Olympic Games sa Paris ang mga atleta ng Russia at Belarus.
Ang nasabing desisyon ay base sa ginawang pagpupulong ng IOC members, lobal network of athletes representatives, International Federations at National Olympic Committee.
Saad ng IOC na wala dapat atleta na pagbawalan na makilahok sa mga international sporting events kahit anong uri ng kanilang pasaporte.
Mula kasi ng lusubing Russia ang Ukraine noong nakaraang taon ay inirekomenda ng IOC na dapat pagbawalan ang mga atleta ng Russia at Belarus na makilahok at kapag lumahok sila ay dapat gumamit ang mga ito ng neutral na bandila.
Ayon sa Ukrainian Athletes at Global Athlete na sa desisyon na ito ng IOC ay nagpapakita lamang na tila sinusuportahan nila ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. (CARD)
-
Construction worker himas-rehas sa pangmomolestiya sa anak na dalagita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 33-anyos na construction worker matapos ireklamo mismo ng kanyang kinakasama ng pangmomolestiya sa kanilang anak na dalagita sa Malabon City. Hindi na nakapalag ang manyakis na ama nang posasan siya nina Pat. Zenjo Del Rosario at Pat Marc Roldan Rodriguez, kapwa nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 5, […]
-
COVID-19 positivity rate sa Metro Manila bumaba pa sa 11.5% – OCTA
BUMABA pa sa 11.5 percent ang COVID- 19 positivity rate sa Metro Manila pero may bahagyang pagtaas naman sa apat na lalawigan sa Luzon. Ayon sa OCTA research group na mula sa 13.9 percent noong December 17 ay nakapagtala naman ng pagbaba pa o nasa 11.5 percent ang positivity rate sa NCR […]
-
DepEd: Subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, pinoproseso pa
Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda. Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na […]