• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiis-tiis lang po tayo sa mga haybol

MARAMI na naman sa atin ang mainiip mula sa may dalawang linggong moderate enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at sa Region IV-A at B o Calabarson at Mimaropa.

 

Isa sa paraan ito ng ating gobyerno para masupil ang coronavirus disease o COVID-19 pandemic na marami nang kinitil na buhay at hinawahan.

 

Nais ko lang magbigay ng tips sa mga sobrang mababagot sa kanilang mga tahanan. Lalo na sa mga kapwa ko marathoner/runner, fitness buff at kahit na sino pa po.

 

Tiis pa rin talaga na mag-stay tayo sa ating mga tahanan para hindi na kumalat ang virus. Para rin mapadaling matapos na ang halos nationwide lockdown.

 

Habang naka-home quarantine tayo, mag-ehersisyo lang tuwing umaga at hapon. O kahit isang beses lang isang araw. Pwede ring every other day lang.

 

Disiplina lang talaga para mapanatili nating malusog ang ating mga katawan upang malayo rin sa Covid.

 

Marami rin tayong magagawa sa ating mga bahay. Nasabi ko na po sa nakalipas na linggo sa kolum ko ring ito.

 

Ako ang  isa sa pinagkakaabalahan ko pa na hindi ko nabanggit sa huling pitak ko ay ang pagpapaligo ko ng twice a week sa 2 alaga kong aso. Nalinis ko na kasi ang mga kabinet at ilalim ng kama ko.

 

Pantanggal stress din po iyan at inip.

 

Subukan po ninyo.

 

***

 

Kung gusto po ninyong magkomento o may nais kayong itanong, mag-email lang po sa jeffersoncogriman@gmail.com.

 

Hanggang bukas po uli. Manalangin din po tayong lahat at magsisi sa ating mga kasalanan, may awa ang Diyos matatapos din ang krisis sa sandaigdigan.

Other News
  • PBBM, nakipagpulong sa Pinoy community sa US, nagpasaklolo at humingi ng suporta para sa turismo

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa  Filipino community sa New Jersey, USA.     Hinikayat niya ang mga ito na suportahan ang turismo at mamuhunan sa Pilipinas.     Hinarap ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na nagmula hindi lamang sa  New Jersey kundi maging sa New York at Canada na nagtipon-tipon sa  New […]

  • Ka-duet pa si Matteo para sa sikat na kantang ‘The Gift’: SARAH, natuloy na rin ang much-awaited collaboration sa American songwriter na si JIM

    NANGYARI na nga ang much-awaited collaboration ni Sarah Geronimo sa American pop songwriter na si Jim Brickman at ka-duet pa niya si Matteo Guidicelli.     Sa latest vlog ni Sarah, makikita na nakikipag-usap sila ng asawang si Matteo over the phone sa sikat na pianist at radio host din.     Say ni Jim, […]

  • Pinoy boxer Magsayo pinabagsak si Ceja

    Pinabagsak ni Filipino boxer Mark “Magnifico” Magsayo ang kaniyang nakalaban na si Julio Ceja.     Mula sa simula ng laban ay naging mainit ang palitan ng suntok ng dalawang boksingero sa laban na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.     Pagdating sa ika-sampung round ay ibinuhos ni Magsayo ang mga suntok hanggang […]