Russian troops na napatay sa giyera nasa 17,000 na – Ukraine gov’t
- Published on March 30, 2022
- by @peoplesbalita
HALOS 17,000 mga Russian troops na ang napatay sa Ukraine sa ngayon ayon sa isang Ukrainian General Staff.
Sinira umano ng mga pwersang Ukrainian ang 123 sasakyang panghimpapawid ng Russia, 127 helicopters, 586 tanks, 1,694 armored vehicles, 1,150 sasakyan, 66 UAVs, 73 fuel tankers at pitong bangka.
Ayon sa pinakabagong update mula sa Ukrainian General Staff hindi raw bababa sa 302 Russian artillery systems, 95 multiple rocket launcher systems, at 54 air defense systems ang nawasak din.
Ang nasabing mga datos ay ayaw namang kumpirmahin ng Russia.
Ang digmaan ng Russia sa Ukraine ay sinalubong ng pang-internasyonal na pagkondena, kasama ang European Union, US, at UK, bukod sa iba pa na nagpapatupad ng matitinding pinansiyal na parusa sa Moscow.
Hindi bababa sa 1,119 sibilyan na rin ang nasawi sa Ukraine at 1,790 ang nasugatan, ayon naman sa mga pagtataya ng UN.
Pero nagbabala ang UNA na ang tunay na bilang ay malamang na mas mataas pa raw.
Mahigit sa 3.82 milyong Ukrainians ang tumakas din sa mga kalapit na bansa, na may milyun-milyong higit pang lumikas sa loob ng bansa, ayon sa UN refugee agency.
-
PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagmo-monitor sa presyo ng bigas
NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hahabulin ng pamahalaan ang mga rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang diin ni Pangulong President […]
-
CARMINA at ZOREN, nagkaiyakan sa pag-send off nila kay MAVY na sasabak sa first lock-in taping
NAGKAIYAKAN ang pamilya nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa pag-send off nila kay Mavy Legaspi sa unang lock-in taping nito. Kasama si Mavy sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kunsaan bida sina Heart Evangelista at Richard Yap. Nag-share ng video si Mina on instagram na nagyayakapan […]
-
Fajardo papuwede na sa Abril – Austria
INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23. Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik […]