S-PASS kailangan sa inter-provincial PUVs
- Published on May 21, 2021
- by @peoplesbalita
Pinagutos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicles (PUVs) na may biyaheng inter-regional at inter-provincial na ruta ang paggamit ng safe, swift and smart passage o S-PASS travel management system.
Ang S-PASS ay isang communication platform na ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero na nagbibiyahe sa pagitan ng provincial at regional borders. Ginawa rin ito upang maiwasan ang paglaganap ng COVID 19.
Inilungsad ng DOST ang S-PASS noong nakaraang Marso habang ang COVID 19 cases ay tumataas. Sa pamamagitan nito, ang mga pasahero ay maaaring tingnan ang mga travel restrictions sa kanilang pupuntahan. Habang ang mga LGUs ay gumagawa ng real-time monitoring ng mga parating ng mga pasahero.
Sa ilalim ng LTFRB memorandum circular, ang mga pasahero ay kinakailangan na mag parehistro sa S-PASS system bago sila bumili ng tickets. Ang circular ay nilagdaan ni LTFRB chairman Martin Delgra noong May 11.
Kailangan lamang nilang gamitin ang kanilang mobile number upang mag apply ng travel passes mula sa mga LGUs sa pamamagitan ng kanilang websites. Binigyan diin naman ng DOST na hindi nila control kung gaano katagal maaprubahan ng LGUs ang kanilang application.
Kinakailangan na magbigay din sila ng proof na may S-PASS sila bago sila payagan na sumakay ng bus.
Ang isa pang kailangan ay ang travel coordination permit o travel pass-through permit na binibigay ng local government kung saan sila ay papunta.
“Violation of the circular will be deemed a breach of a resolution issued by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” wika ng LTFRB.
Sa paggamit ng S-PASS, ang mga tao ay puwedeng mag apply ng travel coordination permit na siyang pumalit sa travel authority para gamitin sa mga restricted na lugar. Kung galing sa mga restricted na lugar upang pumanta sa unrestricted na lugar, ang mga pasahero ay puwedeng mag apply ng travel pass-through permit sa pamamagitan ng S-PASS.
Ayon sa LTFRB may mahigit sa 250 na ruta ng buses na may 5,000 na units sa loob at labas ng Metro Manila ang kanilang binuksan sa gitna ng pandemya.
Mayron lamang na 50 percent passenger capacity ang pinatutupad sa mga PUVs kasama ang minimum health protocols tulad ng sapilitang paggamit ng face masks at face shields kasama ang social distancing. (LASACMAR)
-
DEACTIVATED VOTERS MAGPAREHISTRO ULIT
NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa mga deactivated voters na i-renew ang kanilang registration bago ang deadline sa September 30. Ginawa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang apela sa higit anim na milyong botante na deactivated na ang kanilang registration dahil sa hindi pagboto ng magkasunod na halalan. “To reactivate, […]
-
Sinagot at ‘di pinalampas ang comment ng basher: KIM, naiyak at kinilabutan sa ginawang pagbati sa kanya ni VP LENI
NAKATATANGGAP ng mga pamba–bash at kung ano-anong negatibong comments ang ipinost ng Kapamilya star na si Kim Chiu na video greetings sa kanya ni Vice President Leni Robredo. Sa kabila nang pag-amin ni Kim na na-overwhelm siya at naiyak sa hindi inaasahang personal video greetings sa kanya noong kanyang kaarawan, todo naman ang […]
-
Sektor na malapit sa kanyang puso: Sen. IMEE, nakipag-bonding sa mga millennial na magsasaka
ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan. Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero […]