• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Bali, Indonesia magaganap ngayong July: MAJA, ‘di pa rin mabanggit ang ilang detalye sa kasal nila ni RAMBO

ILANG detalye sa nalalapit na kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang hindi pa rin talaga mabanggit ng aktres bilang pa-surpresa naman siguro nito para sa mismong big day nila sa July.

 

 

Though, given naman na sa naturang buwan at sa Bali, Indonesia nga ang kasal.

 

Pero inamin naman ni Maja na isa sa tatayong ninong sa kasal ay si Vic Sotto na siyang co-star n’iya ngayon sa bagong sitcom ng GMA Network, ang “Open 24/7” simula sa May 27.

 

Sabi na lang ni Maja, “Nasagot ko naman na every weekend ‘yun na lumilipad kami. May mga kailangan ayusin, fitting-fitting.”

 

Siyempre, excited na raw siya sa kasal.

 

“Excited ka, siyempre, once ka lang ikakasal. So, parang gusto mo talagang maayos.”

 

Sinagot din niya ang madalas na ibinabato sa kanya ng ilang netizens na idinahilan daw niya ang kasal kaya isa sa sinabi niyang rason kung bakit kinailangan niyang umalis sa “Eat Bulaga”, pero heto’t bukod sa ibang shows pa niya, may “Open 24/7” nga siya.

 

“Matagal naman na… nauna ‘to. ‘Yung ‘Emojination’ in-offer sa akin, last year pa. Then ito, nag-inquire sila ng January. Kaso, matsi-check n’yo naman sa Instagram ko, palagi akong umaalis, lumilipad.

 

 

“So ‘yun, since mag-start na ‘to, kailangan ko rin na may i-sacrifice.”

 

At nang tanungin nga si Maja kung open pa rin siya na bumalik sa “Eat Bulaga”, positibong sagot niya, “Ay, I love Bulaga, oo naman, oo naman.

 

At natawang sabi pa na, “right after honeymoon.”

 

***

 

HINDI na nga nagpapaawat sa pag-arte o pag-aartista ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake.

 

 

Nagsimula ito nang ipakilala siya ng talent management ni Becky Aguila bilang bago nilang artist.

 

Nagsimula na rin itong mag-take ng acting workshop bilang paghahanda. Ipinost ito ni Zeinab sa kanyang social media accounts kunsaan, si Ana Feleo ang naging acting coach niya.

 

 

Sey niya, “First acting workshop done. Thank you so much Ms. Ana Feleo. Excited po sa next session natin. Ang dami ko pong natutunan today.”

 

Tinanong namin sa Talent Management na si Jan Enriquez, isa sa manager under Aguila’s Entertainment kung anong network at anong unang project ni Zeinab as an artista.

 

Ayon dito, “Nasa talent development pa lang po kami. Acting at hosting workshops, pati PR training.”

 

Sabi namin dito, bakit biglang pumayag mag-artista dahil dati, nasabi nitong hindi talaga siya para sa pag-arte.

 

“She really wants to grow and learn new things. May reservations s’ya sa totoo lang noong una kung kaya n’ya ba ng acting, but after our first session with Ana yesterday, mukhang nagustuhan niya.

 

 

“And in fairness, may naibibigay s’ya siguro dala na rin ng marami niyang pinagdaanan. Ituloy n’ya lang ang paghasa ng acting skills n’ya and she can really become a great actress.”

 

Kakaibang Zeinab nga raw ang nakita nila during the acting workshop pa lang.

 

 

***

 

 

KUMPIRMADO na nga ang pagiging Kapuso ni Matteo Guidicelli. Pumirma na ito ng kontrata noong Huwebes.

 

 

Pero sa “Unang Hirit” muna mapapanood ang mister ni Sarah Geronimo. More on current affairs daw ang gustong gawin nito. Mula raw kasi ng maging reservist, mas na-open ang mind niya, lalo na sa mga dapat i-address na problema ng bansa at mamamayan.

 

 

Though, ‘di na rin naman kami magtataka kung eventually, mapanood na rin siyang umaarte sa mga future teleserye ng GMA.

 

 

At ang tanong nga ngayon, sumunod kaya kay Matteo si Sarah sa Kapuso network?

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Groundbreaking ng Proyektong Kakaiba sa Valenzuela, pinangunahan ni WES

    ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreak ng ilang Proyektong Kakaiba, katulad ng New Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH) – Multi-level Parking Building, New Annex Building, Rehabilitation ng Main Building na matatagpuan sa Brgy. Dalandanan, at ang New and Improved Valenzuela City Central Kitchen (NIVCCK) sa Brgy. Malinta, […]

  • PBBM inaprubahan na ang pilot and full implementation ng food stamp program ng DSWD

    INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pilot food stamp projects ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isinagawang sectoral meeting ngayong araw sa Palasyo ng Malacanang kasama ang mga cabinet secretaries ng ibat ibang government agencies.     Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian ang nasabing programa ay tatakbo sa loob […]

  • SANGGOL, NA-ADMIT NA MAY COVID SA PGH

    KINUMPIRMA  ni  PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na mayroong na-admit ngayon sa kanilang ospital na sanggol at pito pang bata na nasa edad 15 taong gulang  na tinamaan ng COVID-19.   Ayon kay del Rosario, sa ngayon hindi pa klaro kong saan  nakuha ng sanggol ang virus dahil ang kanyang nanay ay negatibo sa […]