• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa first Tiktok Series sa Pilipinas na ’52 Weeks’: Tiktok Superstar na si QUEENAY, bidang-bida na at makatatambal si JIN

BIDANG-BIDA ang isa Tiktok Superstar na si Queenay Mercado, na una naming napanood sa ‘Sing Galing’, na kung saan makatatambal niya ang ‘It’s Showtime’ Ultimate BidaMan winner na si Jin Macapagal, sa kauna-unahang Pinoy Tiktok series na “52 Weeks.”

 

Matapos nga ang matagumpay na launching ng digital series na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” at “Ang Babae sa Likod ng Face Mask,” na tinangkilik ng netizens, muling maglalabas ang Puregold ng isa na namang serye na siguradong magpapakilig sa mga manonood.

 

Ang nasabing 36-episode digital series na kinunan sa mala-paraisong isla ng Cagbalete sa Mauban, Quezon, ay mula direksyon ni Lemuel Lorca at mula sa produksyon ng award-winning filmmaker na si Chris Cahilig. Makakasama rin nila sina Derick Lauchengco na itinanghal na Misters of Filipinas Second Prince at ang kilalang Influencer na si Herbie Cruz.

 

Say ni Queenay, “Super happy po ako na naging part ako ng series na ‘to.

 

“Knowing na ito po ang kauna-unahang Filipino Tiktok series, I feel honored po talaga to be cast as leading lady!”
May mahigit 12.3 million followers si Queenay sa Tiktok. Inimbitahan niya na rin ang mga ito na panoorin ang bagong serye. “Para sa inyo po ang nakakakilig na series na ito! Sana po manood kayong lahat at patuloy na sumuporta sa akin.”

 

Gagampanan ni Queenay ang karakter ni Mina, isang 25-year-old hopeless romantic na certified NBSB (No Boyfriend Since Birth). Nais ng mga kaibigan ni Mina na sina Eya at Chem na maranasan ng dalaga ang magka-lovelife kaya determinado ang dalawa na mahanapan siya ng potential boyfriend sa loob ng 364 na araw o 52 weeks.

 

Ipinaliwanag ng Puregold President Vincent Co kung ano ang kanilang inspirasyon sa pagbuo ng Puregold Channel. “As online content continues to flourish, we want to further drive Puregold retailtainment and connect with customers, old and new.”

 

Dagdag pa ni Co, nais nilang makapaghatid ng aliw sa mga Pilipino sa loob at labas ng Puregold stores sa pamamagitan ng makabagong paraan sa industriya ng media, “Puregold Channel is our platform for showcasing fresh and relevant stories. And launching this first-ever TikTok series in the country is another groundbreaking move that we’re proud of.”

 

Matatagpuan nga kaya ni Mina ang pag-ibig sa loob lamang ng 52 weeks?! Abangan ang unang episiode ng “52 Weeks” sa darating Miyerkules, July 27 sa opisyal na Tiktok channel ng @puregoldph.

 

Para sa updates, i-follow na rin ang @puregold.shopping sa Facebook, @puregold_ph sa Instagram at Twitter. Siguraduhin ding naka-subscribe ka sa YouTube Channel ng Puregold!

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Nagsimula na ang kanyang US concert tour: ALDEN, ‘di na makapapasyal dahil babalik agad para sa taping nila ni BEA

    NAGSIMULA na ng “ForwARd” concert tour si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.      But before he officially started his concert tour last September 3, sa San Mateo Performing Arts Center, nag-courtesy visit siya sa Philippine Consul General in San Francisco na si Honorable Neil Ferrer.     He also handed Consul General Ferrer a […]

  • Valenzuela police at mga mamamahayag sa CAMANAVA, nagsagawa ng dayalogo

    PINANGUNAHAN ni P/Col. Salvador S. Destura Jr, Officer-In-Charge ng Valenzuela City Police Station ang isinagawang dayalogo sa pagitan ng Valenzuela police at mga mamamahayag na komokober sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) upang mapag-usapan at malaman nila kung may banta ba sa kanilang mga buhay o panganib dahil sa kanilang ginagampanang trabaho bilang mga mamamahayag.     Kaugnay […]

  • 2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Manila

    KINUMPIRMA  ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3.     Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital.     Sa ngayon, hawak na raw ng PNP […]