• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa halip na tumakbong senador: ISKO, gustong maglingkod uli bilang mayor ng Maynila

NAKATAKDANG magtapos ngayong Biernes ang “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan isa sa mga bida si Elisse Joson . 
  Kuwento pa ni Elisse sa mediacon ng nasabing serye ng Kapamilya network na super enjoy daw siya sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Hilary.
  “It was so fun and very personal that I was able I play Hilary, it was a fun journey na mahirap bitawan.
  “Ang hirap pang I-let go kasi sobrang nag-enjoy pa ako as Hilary na hindi ko pa nagagawa,” lahad pa ni Elisse.
   Very grateful daw si Elisse sa ABS dahil binigyan siya ng kontrabida role. At ngayon ngang naranasan na niya ang maging kontrabida ay looking forward siya sa more kontrabida roles.
“There is no turning back, mas Malaki pa, mas  mataas pa ‘yung level na gugustuhin mo.
 “So I am looking forward to better and darker character roles in my future projects,” sey pa ng Elisse.
Dagdag pa rin ni Elisse na mas marami raw siyang pwedeng gawin ngayong wala na siyang kaparehang aktor, huh!
Hindi ba siya nanghihinayang sa loveteam nila ni McCoy De Leon at yung mga tagahanga nilang McLisse?
  “Masaya rin naman Ang may ka loveteam but we have to grow. Parang bata lang yan na kapag nag-start na ang adult life, may mga pagbabago na.
 Thankful di naman ako sa pagiging solo artist but of course I want to work pa rin naman with McCoy,” paliwanag pa ng aktres.
***
AT this juncture and in behalf of district one constituents ay gusto naming pasalamatan aming working congressman Cong. Ernix Dionisio sa napakasayang pagdiriwang para sa kapiyestahan ng aming patron Santo Niño de Tondo.
  Halos buong isang linggo ay may mga programang inihanda si Cong. Ernix para lang mapasaya niya ang lahat sa pagdiriwang.
   Mula sa Hiraya Festival, sa concert ng Viva artist at hanggang sa Lakbayaw na kung saan tumataginting na mahigit na kalahating milyon ang ipinamigay na papremyo.
  At siyempre bukod Kay Cong Ernix ay full support din ang buong Manila council sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama ang anim na kunsehal ng distrito uno na sina Kunse Taga Fajardo, kunse Ian Banzai, kunse Niño Dela Cruz, kunse Marjun Isidro, kunsehala Irma Alfonso, kunsehal Bobby Lim at iba pa.
    Maraming maraming salamat sa inyong lahat dahil sa Inyo ay muli ninyong ipinadama sa lahat na Tondo man ay may langit din.
    Sabi pa nga ng dating Mayor Isko Moreno ang Tondo ay pandayan ng talino at husay..
***
SPEAKING of Yorme Isko, from a source napag-alaman namin, instead of senator ay babalikan na raw ng TV host at aktor ang pagiging Mayor ng Maynila.
    Kasalukuyang may pag-uusap daw sa pamamagitan ng kampo ni Yorme at ng kampo ni Mayor Honey.
   Kaya malamang daw na Isko ang kalaban ng kung sinumang maghahangad na magiging pinuno ng siyudad.
At si Mayor Lacuna naman ay tatakbong congressman sa distrito niya.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • Carlos Yulo gold sa parallel bars sa Baku

    Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang unang gintong medalya sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan matapos pagharian ang parallel bars final noong Sabado ng gabi..   Matapos mapalampas ang final sa kanyang pet event floor exercise, si Yulo ay higit na nakabawi dito sa isang perpektong routine sa parallel bars para […]

  • Gyms at indoor non-contact sports, pinayagan na ng IATF

    GOOD news sa mga gym fanatics at mga mahilig sa indoor non-contact sports dahil pinayagan na ng Inter-Agency task Force (IATF) ang mga ito na mag-operate sa 30% venue capacity sa National Capital Region (NCR) Plus areas.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpulong noong Huwebes, Hunyo 10 ang IATF, kung saan pinayagan na […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU

    MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa […]