• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa hindi mamatay-matay na gender issue: Sagot ni STELL: ‘if ever man na ganun ako, ano’ng problema?’

 

 

SINAGOT na ng SB19 member na si Stell Ajero ang hindi mamatay-matay na gender issue sa kanya.

 

 

 

Sa naging interview ni Boy Abunda sa P-pop Kings na SB19 as programang Fast Talk with Boy Abunda, tinanong niya ang mga ito tungkol sa mga kumukuwestiyon sa kanilang sexuality.

 

 

 

“Kaakibat ng pagsikat ay kontrobersiya. Isa na dito ‘yung sexuality. What do you wanna say?” tanong ni Boy sa SB19.

 

 

Si Stell ang unang sumagot, “’Di ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yung ganung klaseng bagay? Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na kung if ever man isipin nilang ganun.

 

 

“Kasi if ever man ganun ako, what’s the problem?”

 

 

Matapang pang sabi ni Stell, “So, if ever man na ganun ako, ano’ng problema? So, may issue ba tayo kung example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi.”

 

 

Tanggap din ni Stell na mahilig mag-ship ang kanilang fans kahit sa kaniyang kapwa SB19 members.

 

 

“Katulad nga po nung mga ganu’ng issue, na mahilig ‘yung mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan ‘yun. Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganun ‘yung tingin ng tao, e, sa ‘min parang normal naman ‘yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala ‘yung iniisip nila,” paliwanag pa ni Stell.

 

 

Kaya nakikiusap ni Stell sana raw ay tigilan na ang mga kanegahan. Gusto lang daw nila ay maging masaya ang lahat at ma-enjoy ang mga ginagawa para sa kanilang fans.

 

 

“Wala naman kaming problema sa mga ganoong klaseng issue kasi willing naman po kaming sagutin lahat,” sagot pa niya.

 

 

Mapapanood si Stell sa pinakabagong The Voice Kids sa GMA. Makakasama rito ni Stell sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at kanilang pinuno sa SB19 na si Pablo.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • ‘Doctor Strange 2’ Video Reveals Illuminati & Charlize Theron’s Clea

    OFFICIAL footage from Doctor Strange in the Multiverse of Madness reveals the introduction of the Illuminati and Charlize Theron’s Clea.     Marvel Studios’ latest blockbuster brings back Benedict Cumberbatch into the MCU after his involvement in Spider-Man: No Way Home. In the film, he is faced with the difficult task of protecting America Chavez […]

  • TSINA MULING LUMABAG SA INTERNATIONAL AVIATION LAW

    NAKARANAS  ng mapanganib na maniobra ang isang sasakyang panghimpapawid  ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR mula sa isang Navy helicopter ng People’s Republic of China sa Bajo de Masinloc sa Zambales . Kasabay ng kumpirnasyon, sinabi ng Philippine Coast Guard na nangyari ang insidente kahapon pasado alas-8:00  ng umaga habang nagsasagawa ang […]

  • 3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

    ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, […]