Sa hirit ni Kris na tila patutsada kay Herbert.. RUFFA, ‘di pinalampas at nag-comment ng ‘be kind to everyone, including your ex’
- Published on March 26, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pinapalampas ni Ruffa Gutierrez ang tila patutsada ni Kris Aquino sa campaign sortie ni V.P. Leni Robredo sa Tarlac tungkol sa kanyang ex.
Ipinagpalagay na agad ng marami na ang tumatakbo sa pagka-Senator na si Herbert Bautista ang pinapatamaan nito sa conversation nila ni Angel Locsin.
Minsan nang nagsalita si Ruffa at idinipensa sa social media si Herbert. Ngayon naman sa sinabi ni Kris, tinamaan daw siya sa sinabi ni Angel Locsin na kapag hahanap ka ng kaibigan, karelasyon, palaging nandiyan, hindi sa eleksyon lang.
Humirit na si Kris na, “Yung isa nasa Uniteam, yung ex…
“O, wag niyo iboto yun, ha. Sayang ang boto dahil ‘di marunong tumupad sa mga pinangako.
“Deadma please.”
Hindi nanahimik si Ruffa. Nag-post ito sa kanyang Instagram account ng video habang naglalakad siya sa beach at saka sinundan ng caption na, “Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex.”
***
SA bagong Youtube vlog ni Bianca Umali, kasama niya ang kanyang minamahal na Mama Vi o ang kanyang lola na siyang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.
Ang lola na ito ng Kapuso actress ang nag-aruga na kay Bianca simula nang maulila siya sa kanyang mga magulang. Nanay ng daddy ni Bianca si Mama Vi at halos lahat ng netizens, naramdaman ang pagmamahal ng isa’t-isa.
Sa vlog ni Bianca, tinanong ni Bianca ang lola niya kung ano ang gusto nitong itanong sa kanya na hindi pa raw naitatanong sa kanya.
At bongga si lola dahil diretsahan nitong tinanong ang kanyang apo na, “meron ka bang minamahal ngayon?”
Nagulat si Bianca sa binatong tanong ng Lola niya sa kanya kaya natatawa ito pero sinagot din na, “Meron, Mama.”
Sinigurado pa ng lola niya kung sure raw ito.
At saka sinabi ni Bianca na, “Sure. Hindi lang isa, marami. At kasama sa maraming ‘yon ang sarili ko. Kasama ka do’n, Mama.”
Pero binigyang-diin ng Lola ni Bianca na ang kailangan daw niyang malaman, ‘yung sasama sa apo ‘till the end of time’ dahil siya raw ay hindi na pwede.
“Hahanapin ko nga ‘yon, Mama. Hinahanap pa natin. ‘Yun din naman ang gusto ko, Ma. Pero sa tingin ko, ‘yung mga bagay na ‘yon, hindi naman dapat minamadali.
“Yon ang turo mo sa akin,” sey pa niya.
“Hindi masarap magmahal, pero dapat, alamin mo muna kung tama ‘yung taong minamahal mo at ‘wag na ‘wag mawawala ang pagmamahal mo para sa sarili mo.”
Sa lahat naman daw ng turo ng lola niya, ‘yun daw ang tumatak sa kanya, be patient, be humble.
Dugtong pa niya, “To answer your question, yes, meron akong minamahal. Meron akong mga taong minamahal.”
Hmmm, alam ng lahat na si Ruru Madrid ang special someone ni Bianca, pero mukhang base sa naging pahayag nito, hindi pa siya sure kung ito na nga ang makakasama niya hanggang sa huli.
***
HINDI kami sure kung first time pa lang ba na naipakilala ni Lovi Poe ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe sa kanyang kapatid na si Senator Grace Poe.
Pero obviously, kasama sa naging itinerary ni Lovi sa U.S. ang makipag-meet-up sa kanyang pamilya sa side ng kanyang ama, the late Fernando Poe. Jr.
Kasama ni Senator Grace ang kanyang Mister na si Neil Llamanzares at anak na si Brian Poe habang si Lovi naman, kasama ang kapatid na si Yellie at ang boyfriend nga.
Sa caption ni Lovi, sinabi niya na, “Long overdue reunion and catch up with the fam.”
Good vibes naman para sa mga netizen ang picture na makitang magkakasama ang mga ito. Sey ng karamihan, sigurado raw na masaya at naka-smile ang ama nila ngayon sa Langit.
(ROSE GARCIA)
-
Ads June 13, 2023
-
DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget
Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget. Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura. […]
-
Sa panahon ng war on drugs ng administrasyong Duterte… Muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings suportado ng Malakanyang
SUPORTADO ng Malakanyang ang posibleng muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyong Duterte. ”Of course. The reopening of the investigations of the high killings related to the war on drugs should indicate that the Marcos administration places the highest importance on the fair dispensation of […]