• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa historical fantasy ng novel ni Dr. Rizal: DENNIS, balik-trabaho na at makatatambal sina JULIE ANNE at BARBIE

BALIK-TRABAHO na si Kapuso Drama Actor Dennis Trillo, matapos ang ilang buwan, after ng drama series niyang “Legal Wives” with Alice Dixson, Andrea Torres and Bianca Umali.

 

 

At pagkatapos makapagsilang ang wife niyang si Kapuso Ultimate Actress Jennylyn Mercado ng kanilang baby girl.

 

 

“Maria Clara at Ibarra,” ang historical fantasy na may Gen Z take sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal, ang gagawin ni Dennis. Magbibigay ito ng bagong perspective sa mga nobela ni Jose Rizal.

 

 

Paano kung ang isang Gen Z ay mapunta sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal? Tunay na kaabang-abang ang upcoming historial portal fantasy series.

 

 

Kuwento ito ng nursing student na si Klay na atat na atat nang makaalis ng bansa para magtrabaho. Magigising na lamang siya isang araw at matatagpuan ang sarili niya sa mundo ng Noli Me Tangere ni Rizal. Makikilala niya rito sina Maria Clara, Ibarra at iba pang karakter sa mga nobela na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng kasaysayan, pag-unawa sa kapwa, pagmamahal sa bayan at higit sa lahat, ang kapangyarihan ng pag-ibig.

 

 

Mula sa mga bumuo ng “Encantadia,” “My Husband’s Lover,” “Sahaya” at “Legal Wives” ito ang next big cultural offering, na may halo pang romance at adventure, mula pa rin sa GMA.

 

 

Playing the lead roles sina Kapuso Drama King Dennis Trillo, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at 2016 Fantasporo International Best Actress Barbie Forteza.

 

 

Si Zig Dulay ang magdidirek ng big cultural offering, mula pa rin sa panulat ni Suzette Doctolero.

 

 

***

 

 

ILANG buwan nang tapos ang lock-in taping ng GMA Afternoon Prime series na “Apoy sa Langit” na kasalukuyan nang napapanood sa GMA-7 at nagtatampok kina Ms. Maricel Laxa, Zoren Legaspi, Mikee Quintos, Dave Bornea at Lianne Valentin.

 

 

Pero balitang magbabalik-lock-in taping muli ang cast, dahil in-extend ang GMA Drama ng ilang weeks ang story nito, sa request na rin ng mga netizens na sumusubaybay ng serye kaya araw-araw ay tumataas ang rating nila.

 

 

Ayaw pumayag ng mga netizens na matalo si Ning (Mikee) ng kasamaan ni Stella (Lianne), mistress ni Cezar (Zoren) na pareho nilang pinagtutulungan ang mag-inang Gemma (Maricel) at Ning para lamang makamkam nila ang pera nito.

 

 

Marami kasing dapat pagbayarang kasamaan niya si Stella na pasimuno sa lahat ng mga plano nito, dahil ayaw niyang patalo at inggit na inggit siya kay Ning.

 

 

Ang “Apoy sa Langit” ay napapanood Mondays to Saturdays after “Eat Bulaga” sa GMA.

 

 

***

 

 

PINAG-UUSAPAN ng mga viewers at netizens ang nakakakilig na first kiss ng real-life couple on screen, na sina Sparkles ng GMA Artist Center, ang GabLil, na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa drama series na “Love You Stranger.”

 

 

Heavy scenes ang eksena last Thursday evening at nagpamalas ng husay sina Gabbi at Khalil matapos mag-breakdown si Ben (Khalil) and LJ as “Tisay” comforted him. Kasunod nga ng iyakan at katatakutan, nauwi ang eksena sa matamis na halikan nila. Kay may nag-comment na “Unconventional ‘yung story and not your usual teleserye, ang husay ng LYS.”

 

 

Kaya naman mataas lagi ang rating nila gabi-gabi, at kahit nagpalit ng katapat nilang serye, na napapanood sa apat na TV channels, nanatili pa ring mataas ang rating nila. Mondays to Thursdays napapanood ang serye, pagkatapos ng “Bolera,” sa GMA Telebabad.

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads September 24, 2022

  • Grab naglungsad ng libreng swab test sa riders, drivers

    Mayroon 60,000 na Grab drivers at riders ang sasailalim sa libreng reverse transcription polymerase chain reaction o ang tinatawag na RT-PCR swab testing para sa coronavirus disease 2019.   Ang initial na batch ng mga drivers na sumailalim sa swab testing ay ginawa noong pilot run ng project sa Quezon Memorial Circle.   Sa Red […]

  • DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño

    PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan.     “Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng […]