• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa ibinahaging mga larawan ni Vice Gov. Mark: KRIS, unti-unti nang bumubuti ang kalusugan at patuloy na pinagdarasal

MARAMI ang natuwa na makita ang bagong larawan ni Kris Aquino, na unti-unti na ngang bumubuti ang kalagayan habang patuloy na nagpapagamot sa Amerika.

 

 

Kahapon, January 3, ay pinost ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa kanyang Instagram account ang mga photos nila ni Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

 

 

Dahil nasa Amerika ang pamilya ni VG Mark, kaya dinalaw na rin niya ang kaibigang TV host at makikita nga ang improvement sa kalusugan nito.

 

 

May caption ng post ng, “Spending the first day of the year with the Queen [yellow heart, sparkle emojis]”

 

 

Patuloy namang ipinagdarasal ng mga netizens ang tuluyan ng paggaling ni Kris at pinasalamatan din nila si Mark sa pagbisita at pagbabahagi ng mga bagong larawan ng TV host.

 

 

Sa tulong ng Diyos at kung ipagkakaloob ay tuluyang makaka-recover at gagaling si Kris, manalig lang tayong lahat.

 

 

***

 

 

NANAWAGAN siya at narinig naman.

 

 

“Gusto kitang maging kumare, bilang ninang ng ipapanganak pa lang na anak ko,” panawagan ni Whamos, katuwang ni Anjanette sa kanilang joint social media vlog na Whamonette.

 

 

Matagal na palang sinusundan ng mag-asawa ang mga posts ni Bataan District 1 Representative Geraldine Roman.

 

 

“Gustung-gusto ko ang mga sinasabi niya, pati na ang mga payong ibinibigay niya,” natutuwang inilahad ni Whamos sa kanilang malaganap na vlog.

 

 

Ipinakiusap pa niya sa kanyang followers na i-tag si Cong Geraldine upang makarating dito ang kanyang panawagan.

 

 

Nakarating nga at dininig naman ni Cong Geraldine ang hiling ng mag asawa. Naganap ang kanilang masayang pagtatagpo at ito naman ang kwentong hatid sa atin ni Rep. Roman sa kanyang You Tube vlog, Geraldine Romantik. Mapapanood ito ngayong ika-pito ng gabi (Enero 4).

 

 

Abangan kung paano sila naging mag-kumare at kumpare sa isang masaganang bagong taon.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • LTFRB: Posibleng magkaron ng PUJ fare hikes

    INAASAHAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaron ng panibagong round ng fare hike sa mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na lingo.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na ang pagtataas ng pamasahe ay sinangayunan na ng LTFRB board subalit hindi pa alam kung P2 o P4 […]

  • PBBM, nanawagan sa China na sundin ang UNCLOS, international law sa South China Sea

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng China na itaguyod  ang  international law at sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kaugnay sa  lugar ng South China Sea (SCS).     Sa isang panayam, winika ng Pangulo na sinabihan niya ang mga  Chinese officials ukol sa kahalagahan […]

  • Bangka tumaob: 26 patay, 40 nasagip

    NASA 26 katao ang nasawi makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon.     Sa inisyal na impormasyon ng Philippine Coast Guard Sub-Station Binangonan, dakong ala-1 ng hapon nang tumaob ang MBCA Princess Aya, may 30 yarda ang layo sa Talim […]