Sa isang episode ng ‘Running Man PH’: KOKOY, muntik na talagang mag-backout sa sobrang takot
- Published on May 15, 2024
- by @peoplesbalita
MUNTIK na palang atrasan ni Kokoy de Santos ang isa sa mga race ng ‘Running Man Philippines Season 2’ dahil sa pagiging matatakutin nito.
Sa trailer kasi ay ipinakita na pumasok sa tila isang horror house ang pitong runners na sina Kokoy, Glaiza de Castro, Angel Guardian, Lexi Gonzales, Buboy Villar at Mikael Daez at ang pinakabagong runner na si Miguel Tanfelix.
At kuwento ni Kokoy, “Nakita niyo naman po yung episode na may horror, talaga naman pong hindi ko makakalimutan kasi gusto ko na pong mag-backout talaga.
“Isa po iyan sa mga kinatatakutan ko. Actually dalawa yan, rides tsaka horror. Yung rides nilagay nila ng Season 1 yung horror nilagay ng Season 2.
“So talagang parang ayaw nila akong mabuhay e,” at natawa si Kokoy.
“Pero iyon, sobrang ano naman yun, sabi ko nga kundi dahil sa Running Man hindi ko din mae-experience yung ganung klaseng production number, talagang iba yung production design na… nilalagay ko sa kukote ko, paulit-ulit nung nag-i-start yung race na yun, set-up lang ‘to, trabaho lang ‘to… pero hindi parang ayoko rin talagang ituloy, e!
“Pero iyon lang talaga, sabi nga ni Boss G [Glaiza], sabi dun sa kanta namin [Running Man theme song], ‘Go lang nang go!’
“Iyon.”
***
AND speaking of katatakutan, nakakita na pala ng multo sa tunay na buhay si Krissha Viaje!
Si Krissha mismo ang nagkuwento nito, na noong bata pa raw siya ay nakatira sila sa isang bahay sa Quezon City.
Dalawa raw ang kuwarto sa bahay nila, sa isang kuwarto ay doon siya natutulog kasama ang mommy niya at brother niya. Sa kabilang kuwarto naman ay naroroon ang sister ni Krissha at lola niya.
Isang gabi raw ay lumipat sa kuwarto nila ang sister niya at doon nakitulog.
“E ang sikip na namin, e solo yung bed niya sa kuwarto ng lola ko, tig-isa sila ng lola ko. E kami isang kama lang.
“So sabi ko ‘Sige dun na lang ako matutulog sa kuwarto mo, ako na lang sa kama mo.’
“So hindi ko alam kung anong oras na, naalimpungatan ako, nakakumot ako, nakita ko nandun siya sa paanan ko.
“Buhok niya yung nakita ko, ‘Akala ko matutulog ito sa kabila? Lumipat pa dito e masikip na nga.’
“So natulog ako ulit. Paggising ko sa umaga wala na naman siya dun. Pumunta ako sa kabilang kuwarto kasi medyo kinabahan din ako.
“Kasi sure ako e, may nakita akong ulo sa paanan ko.”
At ang shocking, noong nakausap na ni Krissha ang kapatid niya ay sinabi nitong never raw itong bumalik sa kuwarto nila ng lola niya para tabihan si Krissha!
Kaya relate si Krissha sa katatakutang serye nila ni Jerome Ponce, ang ‘Sem Break’ ng Viva One.
Bukod kina Krissha (bilang si Mich) at Jerome (bilang si Arlo) ay nasa cast rin ng Sem Break sina Aubrey Caraan (bilang Cora), Hyacinth Callado (bilang Jessie), Gab Lagman (bilang Pipo), Keann Johnson (bilang Timmy), at sina Dani Zee, Rose Van Ginkel at Felix Roco.
Sa direksyon ni Roni S. Benaid, ang season premiere nito sa Viva One ay nagsimulang umere noong May 10, may fresh episode tuwing Biyernes.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Dating import ng Aces at Beermen Galen Young patay sa aksidente
Patay ang American basketball player na si Galen Young matapos masangkot sa aksidente sa Memphis. Base sa imbestigasyon ng Memphis Police Department, naganap ang insidente sa Horn Lake Road sa Memphis. Naging import ng Alaska at San Miguel Beermen si Young noong 2004 hanggang 2009. Labis na nalungkot si […]
-
Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief
TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos. Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address. “As of today your honor, we have 23 (priority) measures,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro […]
-
Lady Stags, Lady Bombers magpapang-abot sa stepladder
IBUBUHOS ng San Sebastian at Jose Rizal University ang itinatagong lakas sa kanilang do-or-die match upang umabante sa second round ng stepladder semis ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City. Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Bombers ngayong alas-2 ng hapon kung saan ang mananalo ang […]