• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa isinusulong na vegetable gardening… Land-use conversion dapat itigil

SA muling pagsusulong ni Senadora Cynthia Villar ng vegetable gardening bilang solusyon sa food crisis, dapat ipatigil ng bagong administrasyon ang conversion ng sakahang lupa sa subdivisions o commercial areas.

 

 

Ayon sa Anakpawis Party-list at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), karamihan sa mga nasabing lupa ay ginagamit bilang taniman ng bigas tuwing tag-ulan at gulay  tuwing panahon ng tag-init.

 

 

“Tinutulak din namin ang vegetable gardening kahit sa mga baryo, laluna noong 2020 lockdown, kung saan wala namang ayudang binigay ang gubyerno.  Gayunpaman, mas superyor na solusyon ang kagyat na pagpapatigil ng land use conversion para manatili itong lupa para sa produksyon ng pagkain, at hindi para maging subdivision,” ayon kay Rafael Mariano, Anakpawis Party-list National Chairperson at Chairperson Emeritus ng KMP.

 

 

Kabilang sa listahan ng mga hinihingi ng KMP sa gobyerno ay ang pagpapalabas ng executive order para ipatigil ang “conversion of agricultural lands devoted to or suitable for the production of stable food crops.”

 

 

Sinabi pa nito na maraming mga magsasaka ang gustong magtanim ngunit inaagawan umano ng lupa at pinapalayas.

 

 

“Kaya natural lang, na nakaapekto ito sa kabuuang suplay ng pagkain.  Ang mga ina-announce ng gubyerno ngayon ay panay iwas sa pinakakrusyal na usaping dapat manatili sa lupa ang mga magsasaka para lumikha ng pagkain.  Kaya sa kagyat, dapat itigil ang mga land-use conversion at panatiliin ang food production,” pagtatapos ni Mariano. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PBBM, nakidalamhati para sa mga biktima ng bagyong ‘KRISTINE’ sa BATANGAS

    NAG-ALOK si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng memorial mass, araw ng Lunes, para sa mga nasawi sa panahon ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine sa Barangay Sampaloc, Talisay Batangas.   “Nais ko pong ipaabot ang aming taos-pusong pakikiraramay sa bawat Pilipinong naapektuhan ng Bagyong Kristine,” ayon kay PangulongMarcos sa kanyang naging talumpati sa […]

  • Alfred, isa sa mga sumuporta: ‘Easy Listening’ ni Nestor Cuartero, tagumpay ang book launch

    MALUGOD na inihayag ng UST Publishing House (USTPH) ang paglabas ng kalilimbag na aklat, sa ilalim ng kanilang creative nonfiction shelves, na “Easy Listening” ni Nestor Cuartero Ito ay kaipunan ng mga personal na sanaysay ng veteran journalist at book author sa kanyang matapat na pagtalakay tungkol sa iba’t ibang paksa — mula sa pagninilay […]

  • Pagbakuna sa 35.5 milyong workers kasado na

    Kasado na ang pagbakuna sa 35.5 milyong manggagawa kung saan prayoridad ng pamahalaan na unahin ang nasa edad 40-taong gulang pataas sa ilalim ng A4 group sa nagpapatuloy na ‘vaccination program’ sa bansa sa darating na Hunyo.     Sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na mas uunahin nila ang mga mas nakatatanda sa ‘working […]