• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa isyu ng war on drugs ni Duterte at Sen Bato… ‘Desperate diversionary tactic’, paniniwala ng mambabatas

ITO ang paniniwala ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas sa pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magsasagawa ng motu proprio investigation sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte.

 

Naniniwala pa ang mambabatas na ang planong imbestigasyon ay upang mailayo ang atensiyon sa pagkuha ng tunay na accountability.

 

“Sino ang iimbestigahan niya, sarili niya? This planned investigation by Sen. Bato, who himself was accused of playing a central role in Duterte’s war on drugs, is nothing but a biased attempt to sanitize their involvement,” ani Brosas.

 

Ayon kay Brosas, hindi dapat gamitin ang pondo ng bayan sa imbestigasyon para lamang umano na maka-absuwelto sa halip na lumabas ang katotohanan.

 

Ang pahayag ay ginawa ng senador matapos magpahayag si Senador Bong Go nang kahandaan na maghain ng resolusyon para sa imbestigasyon, sa kabila na may ginagawa na ang House quad committee ng pagdinig ukol dito.

 

“The Filipino people deserve accountability and justice for the thousands of lives lost and families shattered by this bloody and anti-poor war on drugs. This Senate probe, spearheaded by those deeply implicated, cannot be expected to deliver that,” Rep. Brosas emphasized.

 

“Wala na sanang paghuhugas kamay na maganap. Matagal nang nananawagan ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings kaya panahon na para harapin ito ng mga akusado,” dagdag ni Brosas.

 

Naniniwala naman si Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng Quad Committee na nagiimbestiga sa extrajudicial killings (EJKs) noong panahon ng dating Duterte administration, na ang planong paglulunsad ng senate inquiry ay isang malinaw na “conflict of interest.”

 

Tinuligsa rin ni Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, ang naturang hakbang na ito dala na rin sa naging papel ni dela Rosa bilang dating Philippine National Police (PNP) chief sa kontrobersiyal na anti-drug campaign.

 

“Delicadeza na lang sana ang pairalin ni Sen. Bato. For me it is highly inappropriate for him, the chief enforcer of the drug war, to lead a probe into the very operations he designed and implemented,” ani Fernandez. (Vina de Guzman)

Other News
  • “Caregivers Welfare Act” pasado na

    Pasado na sa pinal na pagbasa ang mga panukala na nagsusulong ng kapakanan ng mga caregiver at pagpapalawig sa proteksyon ng mga kababaihan laban sa diskriminasyon.   Layon ng House Bill 135 o ang “Caregivers Welfare Act” na gawing polisiya ang proteksyon sa mga caregivers, sa kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin.   Batay sa […]

  • Ads March 16, 2021

  • PBA bubble amenities kumpleto sa libangan

    TITIYAKIN ng Philippine Basketball Association (PBA) na kumpleto ang amenities ng Quest Hotel sa Clark City sa Angeles City, Pampanga na pagtatayuan ng bubble sa pagpapatuloy ng Philippine Cup sa darating na Oktubre 9.   “Tsinek namin, may golf, may water sports,” bulalas kahapon ni Pro league Commissioner Wilfrido Marcial. “Maglalagay din kami ng parang […]