Sa kabila ng bashing na natatanggap: BOOBAY at SUPER TEKLA, nagkuwento kung papaano sila tinulungan ni PAOLO
- Published on June 30, 2023
- by @peoplesbalita
NOONG magbalik-trabaho na si Winwyn Marquez, inamin nito na nag-struggle siya sa pagbalanse sa kanyang pagiging ina at sa hectic schedule niya sa showbiz.
Pero habang hinahanap daw niya ang balanseng iyon, unti-unti raw na nasasanay ang katawan at utak niya. Aminado si Winwyn na hindi madali ang maging isang working parent, pero alam naman daw niya ang kanyang priorities at ayaw niyang mag-fail sa dalawang bagay na ginagawa niya.
“Caught in between the joy of work and the love for my child – a never-ending dilemma. A constant struggle between the time and energy required for both, leaving me and i’m sure other parents feeling torn between their responsibilities in both spheres. Maybe the key is to understand that pursuing both is possible with a little effort and a lot of flexibility.
“Balancing work and parenting requires a delicate balance, one which is unique to each individual and family. Striking a balance that allows individuals to thrive in both spheres while eliminating the guilt and judgment should be the ultimate goal. I know.. easier said than done,” caption ni Wyn sa pinost niyang video sa Instagram kunsaan kasama niya si Baby Luna.
Challenge raw ito para kay Winwyn at pati na rin sa mga katulad niyang new mommies na gustong ma-secure ang future ng kanilang mga babies.
Nakapag-guest na si Winwyn sa ilang shows at natapos pa niya ang movie na ‘The Cheating Game’ na bida sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
***
SA kabila ng bashing na natatanggap ni Paolo Contis, nagkuwento sina Boobay at Super Tekla kung papaano sila tinulungan ng Eat Bulaga host na hindi nabalita o ipinost sa social media noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa ‘The Boobay and Tekla Show’ kunsaan naging guest si Paolo, nagawang magpasalamat nila Boobay at Tekla sa pinakitang kabaitan ng aktor sa kanila.
“Alam ko ayaw ni Paolo na i-share ko ‘to pero gusto na ring i-share sa inyo. Alam niyo ba noong panahon ng pandemic hindi tayo makalabas-labas lahat, wala kaming makain sa condo, si Paolo Contis personal pong pumunta doon sa condo binigyan niya kami ng pagkain. Grabe, salamat friend, thank you,” kuwento ni Boobay.
Kuwento naman ni Tekla na pinautang siya ni Paolo noong panahon din ng pandemic. Ayon kay Tekla, ibinili rin naman niya ng pagkain ang inutang niya kay Paolo.
“Actually nakalimutan ko na. Bayad ka na ba?,” natatawang tanong ni Paolo kay Tekla. Sagot ni Tekla: “Napaalala ko pa!”
Ayon kay Paolo, hindi niya ikinuwento o ipino-post ang mga ginagawa niyang pagtulong dahil hindi naman niya intensyon gamitin iyon para sabihing nakatulong siya.
“Nasa mundo tayo na kapag hindi mo pinost hindi nangyari. Hindi ba ganun mga tao ngayon? Ako never kong pinost ‘yan, sila nagkuwento. Kasi hindi ko naman ‘yon ginagawa para ipagmalaki. Ginawa ko ‘yon dahil kaibigan ko kayo, ‘yon ang importante sa akin.”
(RUEL J. MENDOZA)
-
Cheng muling papapako sa F2 Losgistics Cargo Movers
NASA F2 Logistics Cargo Movers ng semi-professional Philippine SuperLiga (PSL) ang star volleyball player na si Desiree Wynea ‘Des’ Cheng sapul noon pang taong 2016. At base sa kanyang Instagram account story, wala siyang planong tumawid ng liga (professional Premier Volleyball League) o lisanin ang kasalukuyang koponan. Nagkaroon ng tanungan kasama […]
-
500,000 Sinovac vaccines, dumating na sa bansa
Dumating na sa Pilipinas ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing China. Lulan ito ng Philippine Airlines (PAL) flight no. PR359 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-5:00 ng hapon, Huwebes. Bandang alas-7:00 ng umaga rin sa parehong araw nang umalis ang eroplano ng PAL sa […]
-
CHR, iniimbestigahan ang posibleng paglabag ng PNP sa pag-aresto sa red-tagged doctor
SINABI ng Commission on Human Rights (CHR) na iniimbestigahan nito ang posibeng paglabag ng Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto sa isang doktor na inakusahang miyembro ng Communist Party of the Philippines. “CHR has dispatched a quick response team in NCR (National Capital Region) and Caraga, and is undertaking a motu proprio investigation […]