• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.

 

Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, inanunsiyo nito na magsasagawa ng tradisyunal na “Simbang Gabi” sa Kartilya ng Katipunan sa tulong ng pamunuan ng Quiapo Church.

 

Napag-alaman naman kay Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) Director Charlie Duñgo, dakong- alas-8 ng gabi gaganapin ang “anticipated” Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan na sisimulan sa Disyembre 15 kung saan dadaluhan ito ng mga kawani at opisyal ng mga departamento ng lokal na pamahalaang lungsod.

 

Ayon pa kay Duñgo, nakatakda umano silang mag- organisa ng “coffee festival” na may temang “Kape’t Luntian” sa Bonifacio Shrine Garden sa pakikipagtulungan sa Sagada Coffee.

 

“Let the City of Manila be the beacon of hope during this season. We will not be stopped by the pandemic. Ang gusto ko makita nila is welcome po sila sa Maynila. What is the purpose of government? Government is service, public service,” ani Domagoso. (Gene Adsuara)

Other News
  • Malonzo nagparehistro na sa 36th PBA Rookie Draft 2020

    PASOK na rin para sa Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2020 na nakatakda sa Marso 14 si University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Fi-Am  Jamie Malonzo.     Nagpasa na ng application para sa annual Draft nitong Huwebes ang 6-foot-6  forward at naglaro rin sa United States National Collegiate Athletic […]

  • Meta, pinagpapaliwanag sa Senado sa isyu ng umano’y censorship

    PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook.     Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm.     Matatandaang isa sa umalma sa […]

  • Ads March 13, 2020