• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero

MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero.

 

May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! Importante na hindi binabarahan ang mga kanto sa mga kalye. Pero lagi na lang natin nakikita na ang mga kanto ang syang madalas lapastanganin ng mga pasaway na drivers at pasahero. Isama na dito ang mga illegal na vendors. Halimbawa, sa kanto ng Katipunan Ave. at Aurora Blvd. patungong Marcos highway.

 

Napakalaki na ng karatulang “no loading and unloading” sa kanto at naglagay na ng mahabang island ang MMDA pero doon pa rin nag-aabang ng masasakyan ang mga pasahero.

 

Kaya tuloy ang mga pasaherong jeep mag-me-menor at babagal ang takbo kapag malapit na sa kanto at yun na ang dahilan ng traffic congestion sa area. Mabuti at pinagtityagaan ng mga tauhan at kawani ng Task Force ng QC na itama naman ang sityasyon at igiya ang mga pasahero sa tamang sakayan.

 

Ginagawa ring illegal terminal ang mga kanto kaya bumabara sa ibang motorista at nagkakaroon pa ng mga illegal na vendors. Isa sa mga problema sa lansangan ay ang hindi pagsunod sa loading and unloading zone.

 

Gusto kasi ng pasahero ay sa tapat na tapat mismo ng kanilang destinasyon ang baba nila. At kapag hindi ginawa ni mamang driver at lumampas na konti ay halos may away agad na mamamagitan. Ang disiplina sa lansangan ay hindi lang para sa mga driver kundi sa mga motorista at mga pasahero rin – sa tamang sakayan at babaan lang.

 

At sa tamang tawiran lang. Sanhi ng matinding traffic ang hindi pagsunod ng mga tao sa batas sa batas trapiko. Kailangan din maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas laban sa “jaywalking”.

 

Nababastos ang mga simpleng batas trapiko at tila wala nang sumusunod. Sana ang simpleng pagsunod sa ‘no loading and unloading zones’ ay mapairal ng mahigpit sa ating mga lansangan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Kapuso Royal Couple, nakabalik na from Eilat, Israel: DINGDONG at MARIAN, magsasama para mag-host ng year-end special ng GMA-7

    KAHAPON, December 15, bumalik na ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes  at Marian Rivera from Eilat, Israel, where the Kapuso Primetime Queen served as one of the all-female judges in the recently concluded 70th Miss Universe beauty pageant, na sinamahan naman siya ng hubby niyang si Kapuso Primetime King.      For sure ang […]

  • Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal

    ISANG free trade agreement (FTA)  ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia.     Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas.     Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand […]

  • Welcome kay PDu30, paglagda sa PH-Korea free trade pact

    WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglagda sa Philippines-Republic of Korea (ROK) free trade agreement, araw ng Martes, Oktubre 26.   Sa naging talumpati ng Pangulo sa 22nd ASEAN-ROK Summit, sinabi nito na ang trade pact ay “needed for our economies to recover and bounce back,” malinaw na tumutukoy ito sa mga epekto ng […]