• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa kinagigiliwang segment ng ‘AOS’: TOM, ‘di nasagot ang tanong tungkol kay CARLA kaya nadismaya ang netizens

NAGBALIK na sa bahay nila ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.  

 

 

Ipinaalam nila ito sa pamamagitan ng vlog nila na “After All” na nasa 10th episode na.  Nag-decide daw silang iwanan muna ang bahay nila, at lumipat sila sa kanilang condominium unit, nang pareho silang ubuhin, na inabot ng two weeks bago sila gumaling.

 

 

      “Nagpasalamat kami ni Dennis na hindi naman covid-19, pagkatapos naming magpa-test,” kuwento ni Jen.

 

 

“Nag-decide kaming lumipat muna dahil nag-positive ang ilan sa household namin.  Iniwan nga namin si Jazz, hindi naman siya nagkasakit, pero ang yaya niya ay nakasalamuha ang ibang members ng household.  Hindi naman kami nag-worry dahil may mga nag-alaga sa kanila.”

 

 

Hindi naman naging problema kay Dennis na sila lamang dalawa ni Jen ang magkasama.      “No problem sa akin, kayang-kaya ko namang gawin ang mga household chores at pag-aalaga kay Jen.  Nagpapa-deliver kami ng food, pero bago ko ipasok sa loob ng bahay, sanitized na.  

 

 

Hindi ko nakakalimutan ang pagpapainom kay Jen ng mga vitamins niya, alaga ko rin siya sa exercise, light exercise lang like walking, para makapagbilad siya sa araw, na source ng Vitamin D. Pinayagan din siyang mag-swimming, kaya minsan dinala ko siya sa Splash Island at nag-swimming kami.  

 

 

Maganda, kasi na-practice namin ni Jen ang pagiging mag-asawa, na kami lamang dalawa.  Nang mag-test negative na ang mga kasama namin sa bahay, bumalik na kami.”

 

 

Sinadya ni Dennis na after ng Legal Wives, ay hindi muna siya tumanggap ng bagong project sa GMA para matutukan niya ang pag-aalaga kay Jen, na nasa 6th month of pregnancy na at ilang months na lamang ay isisilang na ang kanilang baby girl.

 

 

***

 

 

KINAGILIWAN ng netizens ang bagong segment ng All-Out Sundays last February 27, titled “Tsismax Sakalam” na parang Stop dance, na may iparirinig na tugtog at kung sino ang gumalaw sa paghinto ng music, ay tatanungin sila ng latest tsismis tungkol sa kanila.

 

 

Sina Bea Alonzo, Jasmine Curtis-Smith, Mark Herras, Rhian Ramos, Julie Anne San Jose at Tom Rodriguez ang contestants.

 

 

Naghintay ang mga televiewers ng sagot ng bawat isang guest contestants, pero ang pinakahihintay nila ay si Tom kung sasagutin nito ang tanong na siyempre ay tungkol kay Carla Abellana.  

 

 

Pero nadismaya ang netizens, at may nag-comment na, “lahat ng tanong sinagot, pero bakit nang si Tom na ang sasagot, biglang nag-commercial, at hindi na ibinalik.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France

    NAKAKUHA ang Pilipinas ng  €150-million o mahigit  na ₱9 billion policy-based loan mula  France para idagdag at gamitin sa  “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng  French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre  29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]

  • Bumubuo ng ‘Prima Donnas’, binigyan ng commendation ng GMA Network dahil sa successful and record-breaking run

    MATULOY na kaya sa middle of March ang lock-in shoot ng first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films at GMA Network?           Matagal nang pinag-usapan ang shoot ng A Moment To Remember na based sa Japanese movie at Korean drama, ready na rin pareho sina Bea at […]

  • WHOSE SIDE ARE YOU ON? MEET ALL THE TRANSFORMERS IN “RISE OF THE BEASTS”

    Autobots, Maximals, Terrorcons. Are you ready for the big battle for Earth in Transformers: Rise of the Beasts? Directed by Steven Caple Jr. and starring Anthony Ramos and Dominique Fishback, the epic action adventure from Paramount Pictures arrives in Philippine cinemas June 7. (Watch the trailer: https://youtu.be/Q36-envs5OU) About Transformers: Rise of the Beasts Returning to […]