• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RTC JUDGE ABADILLA, BINARIL NG RTC CHIEF CLERK OF COURT

KRITIKAL ang isang Judge ng Regional Trial Court (RTC) nang pagbabarilin ng Hepe ng Court of Clerk sa loob ng kanyang tanggapan sa Manila City Hall, Manila.

 

Kinilala ang biktima na si Hon, Maria Theresa  Abadilla y Samonte, 44 Judge ng Manila RTC Branch 45 habang kinilala ang suspek na si Atty Amador Rebato y Bustamante, 42, RTC Branch 45, Chief of Court Clerk na sinasabing nagbaril din sa sarili matapos ang insidente.

 

Sa inisyal na ulat, dakong  alas-2:45 ng hapon nang naganap ang pamamaril sa loob ng Room 535 Branch 45 , 5th floor ng Manila City Hall.

 

Ayon sa saksi, nasa loob umano ng nasabing branch ang biktima  at suspek nang bigla silang nakarinig ng putok ng baril.

 

Matapos ang pagbaril ng suspek sa biktima ay nagbaril din sa ulo ang huli kung saan dead on the spot.

 

Aga namang isinugod sa biktima sa Manila Medical Center  kung saan nasa kritikal na kondisyon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Nag-celebrate ng first monthsary ang #PorDee: MICHELLE, kinakiligan ang pinost na twinning photoshoot nila ni ANNTONIA

    NATUWA ang fans ni Miss Universe PH 2023 Michelle Marquez Dee dahil nag-celebrate ito ng first monthsary ng #PorDee, ang tandem nila ni Miss Universe 2023 first runner-up Anntonia Porsild of Thailand.       Nag-share si Michelle sa X (formerly Twitter) ng twinning photoshoot nila ni Ann. May caption ito na: #PorDee1stMonthsary.     […]

  • Ramdam na hinaplos ang puso niya: ARNOLD, inamin na makasalanan pero ‘di pinabayaan ng Diyos

    NAPALUHA kami sampu ng mga kasamahan naming mga Greeters and Collectors ministry ng Sto. Niño de Tondo nang napanood namin ang newscaster na si Arnold Clavio sa programang ‘Kapuso mo, Jessica Soho’ ng GMA channel 7.         Deretsahang inamin ni Arnold on national television na isa siyang makasalanan at sa kabila nang […]

  • Quezon City LGU, GSIS kapit-bisig sa pabahay program

    NAKIPAGSUNDO ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Quezon City government para sa opisyal na paglulunsad ng kanilang ‘Pabahay sa Bagong Bayani na Manggagawa (PBBM)’ program ng pamahalaan.   Sa ilalim nito, ang GSIS ay magtatayo ng medium rise buildings (MRB) sa kanilang mga lote sa Barangay Fairview para sa pinaka- nangangailangang GSIS members.   […]