• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa naganap na holiday party ng NetfliX: HEART, nakitang kasama ang ‘Bling Empire’ star na si KANE LIM

MAGIGING maganda ang pagtatapos ng 2021 para sa Kapuso actor na si Kristoffer Martin dahil sa pakikipagbalikan sa girlfriend na si AC Banzon na ina ng kanyang anak na si Precious Christine o Pre.

 

 

Nag-celebrate ng 5th birthday niya si Pre at namasyal silang tatlo sa isang marine theme park.

 

 

Post ni Kristoffer sa Instagram: “She turned 5 today. Yes, that fast. Grabe, totoo nga ‘yung sinasabi nila na mabilis ang oras ‘pag may anak ka na. Happy birthday, Pre. You’ve been the best blessing that God has given us. Mahal na mahal ka namin.”

 

 

Naging malaking challenge para kay Kristoffer ang 2021 dahil sa sunud-sunod na nangyari sa buhay niya.

 

 

Noong January inamin ni Kristoffer sa publiko ang pagiging binatang ama niya. April nang makipaghiwalay ang aktor kay AC at aminin niya ang relasyon kay Liezel Lopez. July nang maghiwalay sila ni Liezel at maging Born Again Christian ang aktor.

 

 

Ngayon ay mukhang okey na sila ulit ni AC dahil malaki na raw ang pinagbago ng aktor sa sarili niya.

 

 

***

 

 

NA-SIGHT si Heart Evangelista sa Netflix’s holiday party kasama ang Bling Empire star na si Kane Lim sa Amerika.

 

 

Nasa US ang bida ng GMA teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kasama ang mister na si Chiz Escudero at ang twins nito para doon mag-celebrate ng Christmas at New Year.

 

 

Sa pinost ni Heart sa social media, enjoy ito makipag-rubbing elbows sa party ng Netflix.

 

 

“Had such a lovely time winin’ and dinin’ during @netflix’s Holiday party. Thanks for bringing me, @kanelk_k,” caption pa niya.

 

 

Tila bagong BFF ni Heart si Kane dahil pareho silang animal lover. Sa isang post, bitbit nila ang dalawang aso na gusto nilang ampunin pareho.

 

 

Balita kasing makakasama sa season 2 ng Bling Empire si Heart. Pero wala pang confirmation ito. Hindi kaya ang pag-attend ni Heart with Kane sa party ay kabilang na sa mga eksena ng naturang reality show?

 

 

Anyway, maraming naka-line up na trabaho si Heart sa US kaya tama lang na kasama nito ang kanyang pamilya.

 

 

“Same time last year, everything was different. The big shift in our lives made me practice gratitude even more and express my love to my family every single moment. To celebrate this very special holiday with them is the best gift I could ever receive,” sey ni Heart.

 

 

Isa sa pinagkaabalahan ni Heart ay ang pakikipag-collaborate niya with local artists to create her first non-fungible tokens (NFTs).

 

 

Ang digital object na ito ay puwedeng drawing, piece of music, photo, or video, comes with a certificate of authenticity created by blockchain technology.

 

 

***

 

 

HINDI pa man umiinit sa mga kamay ng The Clash Season 4 grand champion na si Mariane Osabel ang kanyang napanalunan na P1 million cash prize, ipinangako na niyang mag-donate ng bahagi nito sa mga nasalanta ng Typhoon Odette sa Visayas at Mindanao.

 

 

Sey pa ng 22-year old singer na mula sa Iligan City: “Gusto ko pong tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette. Plano ko po maki-collaborate sa mga co-Clashers ko and gusto ko pong mag-virtual concert for a cause at ibibigay ko po ‘yung nalikom namin sa mga nasalanta ng bagyong Odette.”

 

 

Bukod sa pagtulong, gagamitin din daw ni Mariane ang napanalunang premyo sa pagpapatayo ng negosyo at para sa medical assistance ng kanyang nakatatandang kapatid na si Arne na isang kidney transplant patient.

 

 

Ang Kuya Arne niya ang malaking impluwensya sa kanyang singing career at una raw itong naniwala na siya ang mananalo sa The Clash.

 

 

“Sobrang blessed po kami kasi si Kuya Arne kidney transplant patient, and last year lang kritikal po ‘yung condition ni Kuya and, miraculously, nagamot po siya. Sobrang naka-witness po ako ng miracle na ‘yun po ‘yung isa sa mga inspiration ko na grabe si Lord talaga.

 

 

“Sobrang pray po namin no’n and parang nawalan na rin po kami ng pag-asa and tinuloy-tuloy lang po namin ‘yung prayers para kay Kuya and, miraculously, nasagot po. So isa po ‘yun sa isa sa mga pinasasalamatan ko na in good health si Kuya Arne at ‘yung family ko.”

 

 

Maliban sa cash prize, ginawaran din si Mariane ng exclusive contract sa GMA-7 at bagong house and lot.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Cartel sa sugar industry buwagin, parusahan sangkot na opisyal, hamon kay BBM

    HINAMON ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) si Presidente Bongbong Marcos na buwagin ang cartel sa sugar industry at parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot dito, lalo na ang mga nasa Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Agriculture (DA).     Ito ang tugon ng grupo sa pahayag ng pangulo […]

  • Ping hinihingan ng P800 milyong ng partido kaya ‘nilaglag’

    POSIBLENG dahil sa walang maibigay na P800 milyon na additional funding kaya umano iniwan ng partido ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kandidatura ni Sen. Panfilo Lacson.     Ayon kay Lacson, duda siya sa rason na ang results sa pre-election survey ang nagtulak kay Alvarez na lumipat sa kampo ni presidential aspirant at […]

  • PAULO, tinatawanan na lang ang wild comments tulad ng “sa akin ka na lang” at “anakan mo ko”

    ISA sa mga artista na aktibo sa kanyang Twitter account si Paulo Avelino.       Kung tutuusin nga, parang iba ang nakikitang personality sa kanya sa Twitter at kung titingnan siya na parang seryoso naman sa totoong buhay.     May pagka-witty at randomly, may mga nirereplayan talaga siyang mga fan na nagtu-tweet.     […]