Sa ngayon ay wala pang nakikitang dahilan: ALJUR, ‘di isinasara ang posibilidad sa ‘frontal nudity’
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG balak na gayahin ni Aljur Abrenica ang mga baguhang artista na walang takot na magbuyangyang ng kanilang private part sa mga pelikulang ginawa.
Wala raw kasing dahilan magpakita ng kanyang hinaharap sa pelikula kaya it’s a big no no muna para mag-frontal nudity.
Tsika nga ng bida ng Revelations, “sa sarili ko lang ito ha, may napapanood akong sobrang sexy pero hindi naman kailangan. For the sake of lang daw. May mga tao para dun. Ako, sa ngayon, hindi pa!”
Dagdag pa ng aktor, “Wala pa naman akong ganun, wala naman akong restrictions diyan as long as the story demands it.
“Hindi naman sa hindi kaya. Hindi sa hindi ko nakikita ang sarili ko. If nasa story talaga na kailangang gawin ‘yun, hindi ko isinasara ang possibility. Basta nakita ko sa script na, ‘Uy! Kailangang ipakita ko yung t*** ko dito, gagawin ko.”
Busy si Aljur sa shooting ng pelikulang Revelations kasama si Jelai Andres, Vin Abrenica at Ana Jalandoni mula sa produksiyon ni Kate Javier at sa direksiyon ni Ray Ann Dulay.
***
NAGING matagumpay ang grand launching ng Aspire Magazine Philippines kung saan cover boy ang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start at Aspire Magazine Global na cover girl si Marianne Besmundo na ginanap kamakailan sa Matrix Event Centre Quezon City.
Kasabay ng nasabing launching ang pagbibigay ng award sa mga inspiring personalities mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan sa pangunguna nina Parañaque District 1 Councilor Jomari Yllana, Abbby Viduya, Zyrill Jacinto, Rodell Salvador, Jillian De Guzman,Winchelle De Castro,Jorick Limpag, Lovanne Lubaton Gallo, Shelle Hunt, Doc. Jen Ortiz, Doc. Paul Ortiz, Doc Annaliza Boras, Brenda Domato, John Fontanilla, Dennis A. Nietes- Nix Dhe, Brenda Domato, Djhoana M. Rington, Arlene Poyaoan Galvez, Priclla Estadola Dacoco, Jerry Lowigie S. Cac, Princess Hyacinth Maralit, Maria Coleen Macabuhay, Leah Chua, Ryan Straw, Reymart Cris E. Trawon, Gerald Dangca,
Robert Flavius E. Dulce, Trevor Catacalan, Jolie Navia, Russel Navia, Laiza Hortaleza, and Elsie Delos Reyes.
Pinutungan din ng korona ang 2022 Aspire Royalties sa pangunguna nina Klinton Start at Ysabella Alberto (ASPIRE KING AND QUEEN ADULT), Marianne Bermundo and Jeremy Peter (ASPIRE QUEEN PRE-ADULT AND ASPIRE KING OF WATER), Princess Lia and Rajan Paguion ( ASPIRE QUEEN TEENS AND ASPIRE KING OF FIRE ), Alexa Lalamunan (ASPIRE QUEEN PRE TEENS), Marcene Bermundo (ASPIRE QUEEN KIDS), Jerviz Baleon (ASPIRE KING OF EARTH), Jan Evan Gaupo (ASPIRE KING OF AIR), Christian Collado ( ASPIRE KING OF JADE), Sammie Al-Ajarmeh (ASPIRE KING PRE-TEENS) and Lance Vladimir (ASPIRE KING KIDS).
(JOHN FONTANILLA)
-
Costa Rica, ginulat ang Japan matapos talunin sa nagpapatuloy na FIFA World Cup, 1-0
Ginulat ng bansang Costa Rica na ika-31 sa FIFA world ranking nang pataubin ang ika-24 sa ranking na Japan matapos talunin sa score na 1-0. Dahil dito, buhay pa rin ang pag-asa ng Costa Rica na makalusot round of 16. Nagpanalo sa koponan ang late left-footed effort ni Keysher Fuller. Bigo naman […]
-
ValTrace App inilunsad sa Valenzuela
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Valenzuela Tracing (ValTrace) Application hindi na kailangang magsulat sa contact tracing form at mangamba sa paggamit ng ballpen na maaaring ipinangsulat ng may COVID-19 sa bawat pupuntahang establisyimento at ang kailangan lang ay ipakita at i-scan ang inyong unique QR code mula sa ValTrace App. Maaari nang […]
-
Karamihan sa mga bida ng 10 entries, hindi nakarating: JUDY ANN at GLADYS, nagkaroon ng reunion sa MMFF grand media con
RAMDAM na ramdam na nga ang 50th Metro Manila Film Festival sa ginanap na grand media and fancon sila para sa sampung official entries sa Quantum Skyview ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, noong Biyernes, December 6, 2024. Nagsimula ito sa isang panalangin na pinangunahan ni Ms. Boots Anson Roa-Roa. […]