Sa pagkakasama sa drug list ni Los Banos Mayor Caesar Perez: PDu30, nagpaliwanag
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
HAYAGANG nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakasama ng napaslang na si Los Banos Mayor Caesar Perez sa drug list ng gobyerno.
Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na produkto ng intelligence report ng mga nasa drug enforcement, pulis at militar ang naging pagkakabilang ni Perez, 66 taong gulang sa listahan ng mga government officials na umanoy sangkot sa iligal na droga.
Giit ng Punong Ehekutibo, hindi sa kanya ang listahan kung saan kasama ang pangalan ng binaril na alkalde na npon ay dating vice governor ng Laguna nang nadawit sa nasabing iligal na aktibidad.
” Iyang listahan na ‘yan hindi akin ‘yan. It’s a collation, lahat-lahat na ‘yan sa intelligence report sa mga drug enforcement at sa intelligence ng military, police. It’s a combination. Now, that list of mine which I read — because really everybody almost in the provinces,” anito.
Kaya ang mensahe ng Pangulo sa pamilya ni Perez ay kanyang ikinalulungkot ang nangyari sa Los Banos Mayor.
“Now, for those na ano… Itong — sagutin ko itong pamilya ni — kasi nanawagan sila sa ano. Iyong mga anak ni Perez.
First of all, I’m sorry that your father died the way it happened,” ayon sa Pangulo.
Ang Alkalde ay pinagbabaril nitong nakaraang Huwebes sa mismong compound ng town hall bandang alas 8:45 ng gabi. (DARIS JOSE)
-
QUIBOLOY, nananatiling nagtatago sa Pinas- DOJ
HANGGANG ngayon ay nakabinbin ang 2 warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy dahil patuloy itong nagtatago sa Pilipinas habang ang hurisdiksyon ng kanyang mga kaso ay inilipat na sa Pasig City mula Davao. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary at spokesman […]
-
MIF, dedikasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Australian business leaders na ang Maharlika Investment Fund ay dedikasyon ng kanyang administrasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa. Sa isinagawang Philippine business forum, sinabi ni Pangulong Marcos na ang overhaul ng “fiscal incentive structures at responsive policies” ng bansa […]
-
Mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict, isinusulong ng mambabatas
ISINUSULONG ng isang mambabatas na mabigyan ng trabaho at oportunidad ang mga “ex-convict,” at matiyak ang produktibo at “crime-free” na buhay nila sa komunidad. Sa House Bill 1681 o “Former Prisoners Employment Act,” sinabi ni Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas na kadalasan na kapag nakalaya na ang mga bilanggo ay nahaharap sila […]