• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies

SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng  “end of an era” na inaasahan niya na   “end of insurgencies in the Philippines.”

 

 

Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya  Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan sa bansa.

 

 

Inilarawan ni Duterte si  Sison bilang “someone known for his radical ideas that affected the course of the country’s history.”

 

 

“While Mr. Sison and I have had many disagreements—especially in the ways in which he chose to pursue and effect change in the country—I would like to believe that, at the end of the day, we shared the same dream of creating a better future for every Filipino,” ani Duterte.

 

 

“His death certainly marks the end of an era, and it is my hope that, with it, the end of insurgencies in the Philippines and the revolutionary movement that he has founded as well,” dagdag na wika nito.

 

 

Nanawagan din si Duterte para sa pagtatayo ng  “more harmonious and united country for future generations.”

 

 

SA ulat, pumanaw  na ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria “Joma” Sison, na nasa self-exile sa Netherlands, sa edad 83.

 

 

Ito ang inanunsyo ng CPP chief information officer na si Marco Valbuena.

 

 

“Prof. Jose Ma. Sison, founding chair of the Communist Party of the Philippines, passed away at around 8:40 p.m. (Philippine time) after two weeks of confinement in the hospital,” sabi ni Valbuena.

 

 

“The Filipino proletariat and toiling people grieve the death of their teacher and guiding light,” dagdag niya.

 

 

Itinatag ni Sison, isang aktibista, ang makakaliwang rebolusyonaryong organisasyon na CPP noong Disyembre 1968.

 

 

Limang dekada nang inilulunsad ng CPP ang pagrerebelde laban sa gobyerno, kasama ang armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) and political arm National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

 

 

“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” sabi ni Valbuena.

 

 

“The entire Communist Party of the Philippines gives the highest possible tribute to its founding chairman, great Marxist-Leninist-Maoist thinker, patriot, internationalist and revolutionary leader,” dagdag pa niya. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, tinintahan ang CREATE MORE bill para makahikayat ng mas maraming investments

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 11, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para i-promote ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination. Ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066, nilagdaan ni Pangulong Marcos sa isang seremonya sa […]

  • Ads July 22, 2023

  • GAL GADOT, napiling maging bida sa biological drama na ‘Cleopatra’

    Ang Wonder Woman star na si Gal Gadot ang napiling magbida sa biological drama na Cleopatra.   Huling naisapelikula ang epic film na Cleopatra ay noong 1963 at pinagbidahan ito ni Elizabeth Taylor. Sa bagong version, hahawakan ito ng Wonder Woman director na si Patty Jenkins.   Pero nasa planning stage pa raw ang Cleopatra […]