Sa raid sa Bulacan at Valenzuela P2.4 bilyong pekeng yosi, kagamitan nasamsam
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
UMISKOR ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crime Unit at Bureau of Internal Revenue at iba pang lokal na law enforcement units kasunod ng pagkakalansag sa large-scale illegal manufacturing na nagresulta sa pagkakasamsam ng P2.4 bilyong halaga ng pekeng sigarilyo at smuggling equipment sa serye ng operasyon sa Bulacan at Valenzuela nitong Nobyembre 6-7.
Sa report na tinanggap ni P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, director ng PNP-CIDG, isinagawa ang magkakahiwalay na operasyon alinsunod sa pinaigting na operasyon laban sa smuggling ng mga pekeng sigarilyo.
Sinabi ni Torre, ang raid ay sa ilalim ng ipinalabas na BIR Mission Order No. MS0201700024179, Section 6(C) ng National Internal Revenue Code of 1997.
Ang illegal na planta ng pekeng sigarilyo, kayang mag-prodyus ng tinatayang 12.9 milyong sigarilyo kada araw na nasa P45 milyong halaga kada araw.
Ayon pa sa opisyal, ang mga nakumpiskang items kabilang ang mga production machinery at raw materials ay nasa P1.245 bilyong halaga, sa isang pabrika sa Bulacan. Nasa 155 katao na ni-recruit sa planta ang nasagip sa operasyon habang isang alyas “Yu” ang naaresto.
-
Alam ng mga anak kung paano i-push ang button: YAYO, madaling maiyak ‘pag napag-uusapan ang pamilya
SA ‘Padyak Princess’ ng TV5 ay isang single mother, si Selma, ang papel ng aktres na si Yayo Aguila. Sa tunay na buhay, paano nakaka-relate si Yayo sa kanyang papel? Lahad ni Yayo, “Ano, sa akin, madali lang, hindi ko kailangan humugot. Kasi parang sa akin normal […]
-
DEREK, ipinagdiinang pinasadya at ‘di ex-deal ang diamond ring na binigay kay ELLEN
TINATAWANAN pero pinatulan din naman ni Derek Ramsay ang tsismis na pinagpasahan na raw ng mga ex-girlfriends niya ang ibinigay na engagement ring kay Ellen Adarna. Sey ni Derek, “There’s tsismis na pinagpasahan daw ‘to ng mga exes ko which is so funny. My mom was going to give me a 7.8 karat diamond […]
-
Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año
Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]