• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa rami ng pinagdaanan, naging matatag ang relasyon: RONNIE, ‘di naniniwala sa 7-year itch na kontra sa sinabi ni LOISA

HINDI naniniwala si Ronnie Alonte sa kasabihang 7-year itch, kontra sa sinabi ng gf niyang si Loisa Andalio.

 

Sabi ni Ronnie, sa rami ng mga pagsubok na pinagdaanan ng tandem nila ni Loisa, feeling niya ay matinding patunay ang pagiging solid ng relasyon nila up to now.

 

Kaya naman nakikinig din sila sa mga pangaral sa kanila ng kanilang co-stars sa ‘Love in 40 Days’ na nasa last two weeks na.

 

“Alam namin ni Loisa na yung constant communication namin ay mabisang sandata sa mga tsismis na posibleng bumuwag sa aming strong foundation but we won’t allow that to happen,” sabi ni Ronnie.

 

“Hindi kami nagpapaapekto sa tsismis dahil mas kilala namin ang isa’t-isa. We know our strengths and weaknesses,” dugtong pa ni Ronnie.

 

Thankful din si Ronnie sa mga co-stars nila like Lotlot de Leon na laging may pangaral sa kanila ni Loisa para tumibay pa ang kanilang pagsasama.

 

Nagpapasalamat din si Ronnie sa ABS-CBN management dahil sa tiwala na gawin silang bida ni Loisa sa ‘Love in 40 Days’.

 

***

 

NANINIWALA si Loisa Andalio sa tinatawag na seven-year itch pero may tiwala naman siya na matatag ang relasyon nila ng bf na si Ronnie Alonte.

 

“Kahit naniniwala ako dahil may mga relasyon na nalusaw after 7 years, kampante naman ako na solid ang relasyon namin ni Ronnie,” pahayag ng dalaga.

 

Marami na raw pagsubok na dinaanan ang relasyon nila pero nanatili silang matatag at nakakapit sa isa’t-isa.

 

Isang bagay daw na pinagkasunduan nila ni Ronnie ay pag-usapan ang anumang conflict sa pagitan nila.

 

“Hindi naman maiwasan na kung minsan may misunderstanding kami pero di namin ito pinatatagal. Nag-uusap agad kami para ayusin ang anumang bagay na may kinalaman sa relasyon namin,” dugtong pa ni Loisa.

 

Very thankful nga si Loisa na pinagsama sila ng ABS-CBN sa ‘Love st 40 Days’. Nakatulong daw ang lock in taping para mas tumibay pa ang kanilang relasyon ni Ronnie.

 

“Mas maganda sng trabaho namin sa lock-in tapong dahil focused kami sa trabaho. In character kami all throughout the taping kasi contained kami in one place, walang umuuwi,” say pa ni Loisa.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Going 8th months na ang relasyon nila: KRIS, crush na crush na pala noon pa ni Vice Gov. MARK

    GANU’N na lang ang naging pag-iyak ni Elijah Canlas habang nagbibigay ng mensahe hinggil sa pagyao ng kanyang bunsong kapatid na si JM Canlas.     Pumanaw si JM noong August 3 sa edad na 17. Napanood siya sa mga pelikulang “Kiko Boksingero” at “ANi” at sa TV series na “Unconditional.”     Sa TikTok […]

  • Tim Cone hindi nababahala sa bagong coach ng New Zealand; Quiambao may malaking papel sa laban ng Gilas Pilipinas

    Hindi nababahala si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa bagong stratehiya na maaring ipagana ng bagong coach ng New Zealand.     Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao.     Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na […]

  • DINGDONG, ‘di napigilang i-share ang first time na makapag-swing si SIXTO; MARIAN, nakaalalay lang sa anak

    NAKATUTUWA ang pinost na photos ni Dingdong Dantes sa kanyang IG account na kung saan nasubukan na rin ni Sixto ang mag-swing sa park kasama si Marian Rivera.     Caption ni GMA Primetime King, “I couldn’t help myself from documenting his first time to try a swing since he was born. Wala pa kasi […]