• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DINGDONG, ‘di napigilang i-share ang first time na makapag-swing si SIXTO; MARIAN, nakaalalay lang sa anak

NAKATUTUWA ang pinost na photos ni Dingdong Dantes sa kanyang IG account na kung saan nasubukan na rin ni Sixto ang mag-swing sa park kasama si Marian Rivera.

 

 

Caption ni GMA Primetime King, “I couldn’t help myself from documenting his first time to try a swing since he was born. Wala pa kasi siyang one year old nung nagsimula ang lock down. At first, may takot pero dahil andiyan si Mama, he became comfortable, eventually.

 

 

“What a joy to see him explore playing in an open space and get his hands dirty and on the ground. Wala pa ring tatalo sa mga old school na laro na makakapag-hubog ng development ng isang bata. How i wish that we could go back to these outdoor activities, and have the opportunity for our children to freely play with other kids.

 

 

“But instead of comparing the past from the present reality, it is our duty to recreate the values of these “experiences” even within the confines of our own homes. All it takes is a little creativity and imagination, no matter how big or small our ”better worlds” are.”

 

 

Dagdag pa ni Dingdong, “Sabi nga ng HS titser kong si Ser Ron Capinding, “Lahat puwede, pero hindi lahat dapat.” So, puwede naman talaga… pero dapat nang may pag-iingat, kapraningang calculated at isang buong loob na puno ng pagasa — na kaya pa rin nating ibigay ang mga nais at pangangailangan ng mga supling na walang kamuwangmuwang sa mas delikadong mundong kalalakihan nila.”

 

 

Nag-reply naman si Marian ng, “Mama’s always here for you sixto!”

Tuwang-tuwa naman ang netizens nakaka-touch na eksenang ito ng mag-ina at karamihan ang nanggigigil sa kakyutan ni Sixto, na bata pa lang at labas na labas na ang kaguwapuhan.  Puring-puri rin nila ang pagiging hands on mother ni Marian.

Ilang sa comment ng netizens”

“Ang pogi ni ziggy parang foreigner at si marian no make-up but still looks so beautiful.”

“Sobrang cute at gwapo ni ziggy..nakakainspire kung paano nila pinapalaki mga junakis nila.”

“ZIGGY is the male version of Marian while Zia is a female version of Dong. This family is ❤”

“Kahit side profile at simple lang ang ganda ganda ni Marian.”

“pogi Sixto. kawawa si baby di maka pasyal abroad like ate Zia nya. bawi nlng next time.”

“Ang pogi ni Sixto ,mestizo at haba ng pilikmata.”

“Baby ko 2 mos plang dinadala ko nman sa park. Tsaka mga older kids ko. Madami nman bata sa park. Di nman na nakakatakot kasi may mga mask at face shield nman na mga tao ngayon.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • PBBM, umaasa na makikita na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan

    UMAASA si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na bababa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Kapaskuhan. Tinanong kasi si Pangulong Marcos kung ano ang Christmas gift nito sa lahat ng mga  Filipino kung hindi ang bigas sa halagang P20 kada kilo. “The P20 was really the goal, the dream… We are continuing with the […]

  • SHE DANCES. SHE FLIES. SHE KILLS. WATCH THE TERRIFYING TRAILER FOR HORROR MOVIE “ABIGAIL”

    Children can be monsters – literally.   From Matt Bettinelli-Olpin and Tyler Gillett, the directing team behind the terrifying modern horror hits Ready or Not, 2022’s Scream and last year’s Scream VI – comes a brash, blood-thirsty new vision of the vampire flick. Watch the trailer: https://fb.watch/pYsIpU1UJs/?mibextid=cr9u03 In Abigail, after a group of would-be criminals kidnap the 12-year-old ballerina daughter of a powerful […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 11) Story by Geraldine Monzon

    NAPILITAN si Cecilia na puntahan si Bernard para humingi ng tulong dito sa trabaho. Sa pagbubukas ng pinto ay isang lasing na Bernard ang bumungad sa kanya.   “Angela?”   Hindi nakaimik si Cecilia nang tawagin siya nitong Angela. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit.   “Angela, salamat at nagbalik ka!”   […]