• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa September na siya manganganak… RIA, kinumpirma na lalaki ang first baby nila ni ZANJOE

KUMPIRMADONG lalaki ang magiging first baby ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, na kanilang in-announce sa naganap na surprise baby shower last Sunday, July 21 na Marquis Events Place, BGC, Taguig City.
At sa imbitasyon na pinadala, may hint na baby boy ang ipinagbubuntis ng anak nina Art Atayde at Sylvia Sanchez.
Makikita rin sa Instagram post ng kaibigan ng pamilya Atayde na si Liza Diño-Seguerra,  ang kuha nila ni Ria.

Ayon pa sa aktres at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), na magiging ka-birth month ng baby boy nina Ria at Z ang asawa niyang si Ice Seguerra.
“It’s a boy for our baby sister @Sophia atayde.
“Patay ka-birth month ni Ice magiging birthday mo.
Goodluck. Hahaha. Lab yu sis,” caption ni Liza.
Pinost din niya ang photo nina Sylvia at Ice na mahigpit na magkayakap.
At say ni Liza, “Reunion ng mag-ina at Zanjoe and Ria’s baby shower :)”
Makikita rin sa baby shower ang pamilya Atayde at Marudo, ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes. Mga kaibigang celebrities at siyempre si Cong. Arjo Atayde kasama ang kanyang lovely wife na si Maine Mendoza.
Congrats Ria and Z!
***
Tatlong foundation, highlight sa birthday party ni Sec. Benhur
STAR-STUDDED at dumagsa ang mga kilalang pulitiko sa 62nd birthday celebration ng DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary na si Atty. Benhur Abalos, Jr., ang Metro Manila Development Authority and Metro Manila Film Festival chairman.
Ginanap na ballrooms ng EDSA Shangri-La noong Biyernes ng gabi, July 19.
Sunod-sunod nga ang pagdating ng mga celebrities at politician na rumampa sa red carpet.
Ilan sa inabutan naming artista na human sa red carpet ay sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, Allen Ansay at Sofia Pablo, Derrick Monasterio at Elle Villanueva, Will Ashley, Ashley Ortega, Jason Abalos, Patrick Quiroz, at Jon Lucas.
Nandun din sina IdeaFirst CEO and director, Perci M. Intalan, Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, at si Tutok to Win party list representative, Sam Verzosa, na hindi kasama si Rhian Ramos.
Samantala, last month pa naging usap-usapan na ang balitang tatakbo siyang mayor ng Maynila.  Naganap ito sa launching ng KaSAMa (Kasangga ng Sampaloc) Movement.
Kaya nang matanong siya tungkol dito at mabilis niyang sagot, “Yes, tatakbo ako, yes!
At malalaman daw sa October kung kakalabanin nga ba ni SV sina Mayor na si Dra. Honey Lacuna-Pangan, na nakita rin naming rumampa sa red carpet at ang nagdesisyon na rin na muling tatakbo bilang mayor na si Isko Moreno.
Samantala, ang pinaka-highlight sa naturang birthday party ni Sec. Benhur kasama ang wife na si Mandaluyong Vice Mayor Menchie Abalos, ay buong pagmamalaki niyang ipinaalam sa mga bigating bisita na meron siyang binuong tatlong foundation, na hangad na makatulong sa ating mga kababayan.
Una na rito ang ‘CiaraMarie Foundation’ – dedicated ito in building more schools in remote provinces and addressing the needs of children on the autism spectrum.
Ang ‘Kwarto Ni Neneng’ –  na sanctuary para sa abused women and children.
At ang panghuli ay ang ‘BIDA’ – na magpo-focus sa drug rehabilitation.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Implementasyon ng RA 10070, siniguro ng Bulacan provincial social welfare

    SA tagubilin ni Gobernador Daniel R. Fernando, siniguro ni Bulacan Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na maayos na naipatutupad sa lalawigan ang Republic Act No. 10070 kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) dahilan upang magkaroon ng PWD General Assembly sa Mall Atrium, SM Pulilan.   Ipinaliwanag […]

  • ERC, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng WESM para pagilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente

    PANSAMANTALANG sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa ilalim ng deklarasyon na red alert ng systems operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). “Dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo ng kuryente na nakakadagdag sa pag-akyat ng presyo,” ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos […]

  • 41-yr. old Udonis Haslem kukunin uli ng Miami kahit ‘di ‘naglalaro’

    Kukunin pa rin umano bilang miyembro ng Miami Heat ang isa nilang iconic personality na si Udonis Haslem kahit hindi na ito gaanong pinalalaro.     Ang 41-anyos na si Haslem ay kinuha pa ng koponan para sa isang taon na kontrata sa halagang $2.6 million.     Kung maalala sa halos buong NBA career […]