Sa Spain na sila nag-celebrate sa pagkapanalo bilang Senador: MARIEL, sobrang happy na pwede ulit mag-pink na fave nila ni ROBIN
- Published on May 14, 2022
- by @peoplesbalita
NASA Barcelona, Spain na si Mariel Padilla, kasama ang dalawang anak nila ng newly-elected and number one Senator na si Robin Padilla, at ang parents niya.
Ayon kay Mariel, sa Instagram post niya, right after daw niyang nakaboto last May 9, diretso na sila sa NAIA para magbiyahe to Barcelona; “we survived a 20hr trip with 2 senior citizens and 2 kids.”
Hindi naman binanggit ni Mariel bakit sila pumunta ng Barcelona.
Kaya doon na nagpasalamat na si Mariel sa lahat ng sumuporta at bumoto kay Robin. Sa Barcelona na raw sila magsi-celebrate ng panalo ni Robin. Doon na rin nagkuwento si Mariel kung paano sila nagtulong ni Robin sa pagkandidato nito bilang isa sa Senador ng BBM-SARA Uniteam.
Inamin ni Robin na wala silang pondo para gastusin sa election, “I won’t spend money on the campaign because I saved for my children, That’s why Mariel is doing Live Selling. So cute.”
Nagpasalamat naman si Mariel sa lahat ng mga kapartido ni Robin na tumulong sa asawa during their campaign.
“Hanggang sa land trip lamang pwedeng sumunod si Robin. Kaya isinasabay lamang siya ng mga kasama niyang may chopper, like si Jinggoy, lagi siyang isinasabay nito, noong bandang huli may nag-provide na sa kanya ng sariling chopper na sasakyan niya. Salamat po sa mga nagtiwala at bumoto kay Robin. Itutuloy po niya ang mga ipinangako niya noong campaign period, isa rito ang ‘Build, Build, Build Project’ ni President Rodrigo Duterte.
Sunod na Instagram post ni Mariel: ‘yehey, pwede na ulit mag-Pink! #PinkloverOG, na sinagot ni Robin ng, ‘yes babe favorite natin na color.’ Dagdag pa ni Mariel, ‘@robinhoodpadilla yes babe hehehe ilabas ko na lahat.”
This time kasi, wala na raw color na dapat sundin.
***
HANGGANG ngayon ay pinag-iisipan pa rin ng mga netizens kung paano magsisilang ang isang lalaking nabuntis.
Ito ang nakaka-intriga sa False-Positive starring Glaiza de Castro at Xian Lim bilang mag-asawang nakatuwaan ng mga engkantadong sina Malakas at Maganda (Buboy Villar at Herlene ‘Hipon Girl’ Budol).
Sa sama ng loob ng buntis na si Glaiza, kay Xian, hiniling niya kina Malakas at Maganda na sana ay malipat na ang pagbubuntis niya sa asawa para maranasan nito ang hirap ng pinagdaraanan niya. Sinunod naman ng mga engkantado ang hiling ni Glaiza at nalipat nga ang pagbubuntis niya kay Xian.
Inaabangan ito gabi-gabi, after ng First Lady sa GMA-7, kaya nagpasalamat si Xian: “Thank you all for watching False Positive. Masakit talaga ang pinagdadaanan ko sa seryeng ito dahil saan lalabas ang batang nasa tiyan ko kundi sa ______. Weeknights on GMA Telebabad!”
Ilan nga sa comments: @victoriachale It’s a hoot & a hit! Congrats to you and the whole team!” @thewhattodonowmum Omg what a riot…good vibes only!” @zyklerge_k35 xian, ikaw na talaga ang bagong fav ko na comedy king.” @beneluzdumlao “nakaka-lessen ng stress everytime I watch False Positive!! I just could imagine and hear Kimmy’s laughter when she watches this on tv, You’re so versatile Xian… kitang-kita ang diff. face projection mo in every scene!! Congrats!!!
***
UMALIS si Multimedia Star Alden Richards last Thursday evening, May 12, kasama si Mama Tenten, papuntang USA.
Taping break ni Alden ng GMA teleserye na Start-Up at ilang araw din siyang mawawala. Walang makapagsabi kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Alden sa US. Pero babalik din siya sa May 18, para mag-prepare na for the lock-in taping nila nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, at Ms. Gina Alajar, somewhere in Pampanga.
(NORA V. CALDERON)
-
Tinanggihan sa pag-ibig: Bebot, kinatay ng sekyu
ARESTADO kahapon (Lunes) ang isang security guard na umano ay pumatay sa isang babae sa Kawit, Cavite matapos tanggihan ng biktima ang kanyang pag-ibig. Naaresto ang suspek na si Reggie Boy Estabillo sa isang ginagawang subdivision sa bayan ng Tanza, 3 araw matapos umano niyang patayin sa saksak ang 29-anyos na si Sarah Kaye […]
-
2022 polls: Magkaisa kasunod ng pag-withdraw ni Sen. Bong Go – Mayor Inday
Matapos ang pag-atras ni Sen. “Bong” Go sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa 2022 national and local elections, nanawagan ng pagkakaisa ang vice presidential aspirant na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Una nang sinabi ng tagapagsalita ni Mayor Inday na si Liloan, Cebu Mayor Christine Frasco, na naniniwala ang alkalde na ito […]
-
‘As of July 2024’: 67 visa-free destinations para sa Philippine passport holders
TINATAYANG may 67 bansa at teritoryo para sa isang Philippine passport holder ang maaaring magkaroon ng access kahit walang visa requirement. Ito ang nakasaad sa pinakabagong passport index ng Henley & Partners, isang residence at investment firm. Dahil dito, ang Pilipinas ay nasa rank 73 sa July 2024 Henley Passport Index, kung saan ang Singapore […]