Tinanggihan sa pag-ibig: Bebot, kinatay ng sekyu
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO kahapon (Lunes) ang isang security guard na umano ay pumatay sa isang babae sa Kawit, Cavite matapos tanggihan ng biktima ang kanyang pag-ibig.
Naaresto ang suspek na si Reggie Boy Estabillo sa isang ginagawang subdivision sa bayan ng Tanza, 3 araw matapos umano niyang patayin sa saksak ang 29-anyos na si Sarah Kaye Mindo.
Natagpuan sa loob ng kaniyang bahay sa subdivision sa Kawit ang bangkay ni Mindo, na tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at walang saplot pang-ibaba.
May isang testigong nakakita kay Estabillo na tumalon mula sa ginagawang bahay sa likod ng bahay ng biktima para tumakas kung saan nakuhanan pa ang suspek ng CCTV.
Umamin si Estabillo sa pagpatay sa biktima, na nakatira sa subdivison na binabantayan ng suspek bilang guwardiya.
Kakausapin lang daw sana niya si Mindo para ihayag ang kaniyang pag-ibig pero tinanggihan umano siya at nanlaban ito.
Inamin din ni Estabillo na gumagamit siya ng shabu.
Itinanggi naman ng suspek na ginahasa niya ang biktima. Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng autopsy na isinagawa sa bangkay para malaman kung ginahasa ito.
Kasong robbery at murder ang isinampa laban sa suspek. Nakatakda namang iuwi sa bukas (Martes) sa Romblon ang labi ng biktima.
-
Mas marami sanang namatay na health workers kung hindi bumili ng medical supplies ang pamahalaan mula sa Pharmally- Sec. Roque
SINABI ng Malakanyang na mas marami sanang namatay na health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic kung hindi bumili ang gobyerno ng medical supplies mula Pharmally Pharmaceutical Corporation. Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay bilang pagdepensa sa naging desisyon ng pamahalaan na bumili ng medical supplies mula Pharmally, ilang araw […]
-
Australian tennis star Nick Kyrgios nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Ausralian tennis star Nick Kyrgios. Sa kanyang Instagram account, inamin nito na patuloy siyang nagpapagaling. Ito rin ang dahilan ng 26-anyos kaya hindi siya makakasali sa Sydney Tennis Classic Tournament na magsisimula sa Enero 17. Paliwanag nito na nais lamang niyang maging transparent kaya inamin […]
-
Ads September 23, 2020