Sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards: DINGDONG, inisa-isa ang mga aktor na naparangalan sa ibang bansa
- Published on December 17, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-POST ng kanyang pagkilala ang Kapuso Primetime King at President ng samahan ng mga AKTOR.
Ang posibleng naging dahilan ng Instagram post na ito ni Dingdong Dantes ay ang halos sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards ng mga Pinoy actors.
Sa Instagram post ni Dingdong, inisa-isa niya ang mga actor na napaparangalan sa ibang bansa.
Ayon dito, “Nagbubunyi ang AKTOR (League of Filipino Actors) sa tagumpay na inaani ng mga Filipinong artista sa teatro, pelikula at telebisyon.
“Si Dolly de Leon ang unang artistang Pinoy na nominated sa Golden Globe Awards ng Estados Unidos. Nauna rito, itinanghal siyang best supporting acrtress sa Los Angeles Film Critics Award.
“Nagwagi naman si Jodi Sta. Maria sa Asian Academy Creative Awards.
“Napansin din ang pagganap ni Soliman Cruz sa Romanian Film na ‘To the North’ kasama sina Bart Guingona at Noel Sto Domingo; Chai Fonacier sa ‘Nocebo’ ng Amerika at si Stefanie Arianne ng Japanese film na ‘Plan 75’.
“Itinampok din sa pelikula ni Lav Diaz na ‘Kapag Wala nang mga Alon’ tumanggap ng papuri sa IFFI GOA sina John Lloyd Cruz, Ronnie Lazaro, Shamaine Centenera at DMs Boongaling.
“Ang mga tagumpay na ito ay karugtong ng mga naunang pagkilala sa mga artistang Filipino noon pa man—Charito Solis, Nora Aunor, Angeli Bayani, Jaclyn Jose, John Arcilla at iba pa.
Ayon pa kay Dingdong, maituturing na world class daw talaga ang talento at husay ng mga Filipinong actor.
“Tunay, ang mga Filipinong aktor ay kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo, at maituturing na yaman ng bansa.
“Mabuhay ang Filipinong Aktor!”
***
HINDI naman talaga nakapagtatakang ma-link sa isa’t-isa sina Jelai Andres at Buboy Villar.
Grabe naman talaga ang closeness at pagiging inseparable ng dalawa. Na para bang basta wala silang work, silang dalawa ang siguradong magkasama.
At todo-suporta si Jelai sa movie ni Buboy, ang “Ang Kwento ni Makoy.” Ang nag-sponsor nito ang C.E.O/President ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa pa-block screening.
Pareho naming nakausap in the past sina Buboy at Jelai. Pareho rin ang sagot nila na bff lang silang talaga, nothing romantic.
Pero bakit pati si Ms. Rei, parang iba na ang nakikita sa kanilang dalawa? In fact, sa social media post niya, tila kinikilig ito kina Jelai at Andres. At wish na ito na sana raw ang dalawa talaga ang magkakatuluyan.
Sabi niya, “Big screening for my baby @buboyvillar. Congratulations anak, napaiyak mo ko ng bongga! Galing mo! And si @jelaiandresofficial ang the best bff ever! Sana magkatuluyan na lang kau ahahahaha!”
Ang daming nagsi-ship sa kanila. Si Buboy na may dalawa ng anak sa former partner niya at si Jelai naman na nasa proseso ang annulment ng kasal.
So, who knows, ‘di ba?
(ROSE GARCIA)
-
Nag-ambag na ng P800 million ang pribadong sector pambili ng COVID-19 vaccines
Umaabot sa P800 million o $16 million na halaga ang naiambag na ng pribadong sektor para isulong ang multi-platform approach sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Lance Gokongwei ng JG Summit, kalahati ng kabuuang mahigit 3 milyong doses ng bakuna laban sa COVID-19 na kanilang bibilhin ay ibibigay nila sa Department […]
-
Malacañang pinakakansela na ang passport ni ex-Bamban Mayor Alice Guo
KINUMPIRMA ng Office of the Executive Secretary na nakalabas na ng Pilipinas si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo. Sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, nakasaad dito na lumipad na si Guo patungong Malaysia, saka nag tungo sa pamilya nito sa Singapore at bumyahe patungong […]
-
Pinamana na sa kanila ang ‘Wow Mali: JOSE at WALLY, wish na ma-prank si JOEY kahit malaki itong challenge
ASAHAN na doble ang katatawanan, doble ang kalokohan, at doble ang kasiyahang hatid sa grand comeback ng longest-running at multi-awarded prank show ng bansa sa mas pinalakas na “Wow Mali: Doble Tama,” simula Agosto 26 at tuwing Sabado, 6:15PM sa TV5 at 7:00PM sa BuKo Channel. Nakilala ang ‘Wow Mali’ bilang kauna-unahang […]