• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa Tiktok video na inaakit nila si Derrick: KIRAY, kinabog ang seksing katawan nina ELLE at LIEZEL

PINOST ni Kiray Celis ang Tiktok video na inaakit nila nina Elle Villanueva at Liezel Lopez si Derrick Monasterio sa “Ma Boy Dance Challenge”.

 

 

 

Kinabog ni Kiray ang mga seksing katawan nina Elle at Liezel dahil naging asset niya ay ang kanyang matambok na puwet.

 

 

 

May “puwetserye” nga si Kiray sa Instagram kunsaan suot niya ang black swimsuit at proud niyang dini-display ang kanyang bilugang puwet.

 

 

 

Gusto lang daw gawin ito ni Kiray para mapasaya niya ang maraming followers niya sa social media. Tsaka habang bata pa raw siya, ipu-flaunt niya ang gusto niyang parte ng katawan niya na agaw-pansin sa mga netizen.

 

 

 

At kahit na may bashers siya, hindi patitinag si Kiray at hinahamon pa niya ang mga ito.

 

 

 

“Don’t underestimate me, until you challenge me. Dont’ judge me, until you know me,” sey ni Kiray na may halong pagbabanta.

 

 

 

***

 

 

 

BABAENG-BABAE na ang former child actor na si EJ Jallorina.

 

 

 

Nagbabalik siya sa pag-arte bilang isang full transwoman sa Quantum Film series sa GMA na What We Could Be na bida sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Marta.

 

 

 

Lumabas noon si EJ sa mga indie films na Pisay, Vhagets, New Moon at sa mga pelikula ng Regal Films na Manay Po: Overload, Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po at Love Is Blind.

 

 

 

Sa TV ay naging bahagi si EJ ng Goin’ Bulilit, May Bukas Pa, Mga Anghel Na Walang Langit, Mara Clara, Growing Up, Walang Hanggan, Princess And I, at Pintada.

 

 

 

Noong 2018 nag-out si EJ at nagbida siya sa pelikulang Mamu: And A Mother Too na tungkol sa isang batang transgender.

 

 

 

Ngayon ay ina-identify ni EJ na isa siyang trans non-binary. Tanggap niya na ang trato sa kanya ng nakararami ay isang tunay na babae.

 

 

 

***

 

 

 

KINUMPIRMA ng Marvel Film actress na si Elizabeth Olsen na two years na siyang kasal sa musician na si Robbie Arnett.

 

 

 

Sa naging interview ng bida ng WandaVision sa The Jesse Cagle Show, inamin niyang nagtanan sila ni Arnett at magaganap ang kanilang wedding very soon.

 

 

 

“It was before COVID. I just never talked about it. I had to work in England and there are visa issues with that. He wouldn’t have been able to come at all, actually. And also everything was so backed up. You couldn’t even, like, try to get married then. But it ended up working out,” pahayag pa ni Olsen na ma-engage kay Arnett three years ago.

 

 

 

Naging very private ang relasyon ni Olsen kay Arnett at iilang tao lang daw ang nakakaalam. Thankful din si Olsen na very supportive ang kanyang husband lalo pagdating sa matinding work schedule niya.

 

 

 

Gusto na rin daw ng aktres na magkaroon na sila ng anak ni Arnett: “I was also thinking, ‘There’s this small room upstairs, which would be good for a kid. “I don’t know where things will lead, but I do think about it in that way: ‘I think I could raise kids here.’”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • NLEX connector nagtaas ng toll

    NAGTAAS ng toll fee ang NLEX Connector matapos payagan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang petisyon sa pangungolekta ng updated toll rates sa nasabing elevated expressway.     Sa ilalim ng updated toll matrix, ang motorista na gagamit ng Class 1 na sasakyan o ang mga regular na sasakyan kasama ang SUVs ay magbabayad ng […]

  • COMELEC, MAGSASAGAWA NG EN BANC MEETING

    MAGKAKAROON ng en banc meeting ang Commission on Election (Comelec) sa Feb.9 .     Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez magsisilbing isang organizing meeting para sa bagong commission en ban na ito at sa bagong listahan ng mga komite.     “That’s where they will discuss the compositions of the divisions siguro magkakaroon ng […]

  • Digital Logbook System, ipatutupad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang halos isang taong pagsuspinde ng paggamit ng biometrics dahil sa pandemyang COVID-19, sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ipatupad ang Digital Logbook System na kaloob ng NSPIRE Inc. sa Marso 1, 2021 para mamonitor ang pagpasok ng mga kawani.     Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na ang isinagawang trial ngayong araw […]