• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa trending at top-rating na ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE at JULIE ANNE, pinupuri ng netizens ang ‘method of acting’

PANIBAGONG challenges ang sasalubong kay Klay (Barbie Forteza) ngayong parte na siya ng pamamahay ni Maria Clara (Julie Anne San Jose) sa trending at top-rating GMA primetime series na ‘Maria Clara at Ibarra.’

 

Habang sinusubukan ni Maria Clara na turuan si Klay ng kagandahang-asal at mga pamantayang mahigpit na dapat sundin ng kababaihan, patuloy itong kinukwestyon at sinasalungat ni Klay. Dahil dito, unti-unti nang nauubos ang pasensya ni Maria Clara.

 

Pinuri naman ng netizens ang ugnayan ng dalawang karakter, “A great contrasting blend of moral values, sense of humor and realization. The evolution of how women and the society think and perceive before compared as of now.

 

“Madarama mo talaga na nasa past ka dahil sa galing ng pagkaka-deliver ng emotions ng dalawang characters. The way they speak, articulate and deliver the lines. Galing ng method acting ni Klay at Maria Clara. Ang separation ng past sa modern, well-distinguished.”

 

Tuluyan na bang susukuan ni Maria Clara si Klay?

 

***

 

HINIHINTAY na lang pala ng former Viva Hot Babes na si Katya Santos ang annulment ng kanyang kasal.

 

Kinasal si Katya noong 2013, pero naghiwalay sila ng non-showbiz husband niya noong 2016. Meron silang isang anak na babae na 9-years old na ngayon.

 

“Waiting na lang ako for the decision. ’Yon na lang, decision na lang. Waiting na akong ma-grant. Tapos na s’ya, tapos na ang mga hearing. Waiting kami for three months or so na mabigay na ’yong grant. ’Yon na lang, ’yon na lang ang hinihintay ko,” sey ni Katya.

 

Si Katya raw ang nag-file ng annulment kaya lahat ng gastusin sa pagproseso ay galing sa kanyang bulsa.

 

“Magastos siya pero sa akin, sinuwerte ako na hindi siya ganu’n ka-gastos pero ang tagal. Parang umabot na rin ako ng halos magpa-five years. Kasi inabutan ng pandemic.

 

“Dapat matatapos na siya before pandemic. Eh, kaso, ’yon na nga. Hindi nagtuloy-tuloy ’yong hearing dahil laging cancelled. Siyempre, pandemic. Finally, ’yon na nga. Narinig ko okey na. Decision making na lang.”

 

Marami raw natutunan si Katya sa nangyaring ito sa kanyang buhay. Kung babalikan daw niya ang chapter na iyon ng buhay niya, hindi raw sana muna siya nagpakasal.

 

“Nagpakasal lang din naman ako dahil akala ko maganda ’yong feeling ng kasal. ’Yon ang thought ko before, eh. Siyempre, bata ka. Hindi mo naman alam, eh. ’Di ba, gusto mo lang, ‘Kasal ako.’ Pero hindi pala ganu’n ’yon.

 

“Dapat pala, kahit nabuntis ka, pag-isipan mo talaga. ’Wag muna pala talaga magpakasal kasi hindi mo pa rin talaga masasabi, eh. Kesa you go through this annulment na ang hirap, magastos. Better na wala na lang, ’di ba?

 

“Ngayon, na-realize ko, hindi na rin siya as important as before. Kasi ang dami kong kilala na hindi sila kasal pero parang mas mag-asawa pa ’yong buhay nila.”

 

Nabanggit din ni Katya na wala siyang natanggap na anumang child support sa kanyang estranged husband.

 

“Walang support pero ayoko na lang din ma-stress. Kasi mabubuwisit ka lang. But honestly, hindi kami magkaaway. We’re still friends. Pinapakita ko pa rin sa kanya ‘yong daughter ko. Kasi ayokong lumaki siya na hindi niya kilala o galit siya sa tatay niya. Wala namang alam ang daughter ko sa pangyayari so I still want her to respect her father.”

 

***

 

MALAPIT nang magkaroon ng part three ang ‘The Princess Diaries’ ayon sa isang insider ng Disney.

 

Dahil sa ‘The Princess Diaries’ na pinalabas noong 2001, sumikat ang aktres na si Anne Hathaway na agad na ginawa ang part two na ‘The Princess Diaries 2: Royal Engagement’ in 2004.

 

Bumulusok ang career ni Anne sa Hollywood at sunud-sunod ang pagbida niya sa mga pelikulang Ella Enchanted, The Devil Wears Prada, Bride Wars, Valentines Day, Rachel Getting Married at Les Miserables kunsaan nanalo siya ng Oscar Best Supporting Actress.

 

Sa bagong yugto ng ‘The Princess Diairies’, ipapakita na tuloy pa rin ang pagiging reyna ni Mia Thermopolis sa Kingdom of Genovia pero meron na siyang sariling prinsesa.

 

Nagsabi na noon si Anne na babalik siya para gampanan ulit ang role na Mia sa ikatlong pagkakataon. Hoping ang maraming fans ng movie na pati si Ms. Julie Andrews ay bumalik din bilang si Queen Clarisse.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOH: Pagtuturok ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, itutuloy na

    Itutuloy na ng Pilipinas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines na gawa ng Oxford University at British pharmaceutical company na AstraZeneca.     Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos na pansamantalang ipatigil ang pagbabakuna gamit ang naturang vaccine brand.     “Based on current evidence, Vaccine-Induced Thrombosis and Thrombocytopenia (VITT) is a very […]

  • FIBA pinayuhan ang Indonesia na dapat makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup

    Pinayuhan ng FIBA ang Indonesia na kailangan nilang makakuha ng slot sa 2023 FIBA World Cup.   Ito ay dahil isa ang nasabing bansa na magiging host 2023 FIBA World Cup kasama ang Japan at Pilipinas.   Ayon sa FIBA Executive Committee, dapat makapasok sa top eight ang Indonesia sa 2021 FIBA Asia Cup para […]

  • Maglilimang taon nang loveless: MARTIN, happy naman dahil tuloy ang pakikipag-date

    MASAYA at ikinagulat pala ni Martin del Rosario na panggabi ang serye nilang Asawa Ng Asawa Ko.   “Siyempre proud kasi unexpected, e!     “Alam namin lahat na Afternoon Prime kami tapos biglang GMA Telebabad, so something to be proud of, di ba,” saad ni Martin.     May dream role pa ba siya? […]