‘Sabay tayo magbitiw sa Comelec’
- Published on February 2, 2022
- by @peoplesbalita
HINAMON ni Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon si commisioner Aimee Ferolino — kapwa humahawak sa disqualification case ni presidential candidate Bongbong Marcos at ponente nito — na mag-resign kasabay niya ngayong nadadawit sa kontrobersiya ang poll body.
Biyernes lang nang sabihin ni Guanzon na may “senador” sa likod ng “unreasonable delay” sa paglalabas ni Ferolino ng desisyon sa DQ case ni Bongbong.
“I challenge Comm Ferrolino, let us resign together [from the Comelec] before [February] 3 since the integrity of the @COMELEC is now in question,” wika ni Guanzon sa isang tweet, Lunes.
Sinasabi ito ni Guanzon ngayong nakatakda siyang magretiro mula sa posisyon sa Comelec sa ika-2 ng Pebrero.
Nakatakdang ilabas ang desisyon ng Comelec sa kaso ni Bongbong noong ika-17 ng Enero, bagay na pinagkasunduan ng First Division na ilabas noong ika-17 ng Enero, sabi ni Guanzon.
Una na niyang sinabi na bumoto siya pabor sa disqualification petition laban sa anak ng diktador, na nakitaan niya ng “moral turpitude” kaugnay ng 1995 tax conviction ng huli.
Pero dahil inilabas niya ito bago pa i-promulgate ang opisyal na hatol sa kaso, hinihiling ngayon ng Partido Federal ng Pilipinas ni Bongbong na maparusahan si Guanzon sa pamamagitan ng:
pag-disbar sa kanya
pagbawi ng kanyang retirement benefits at pensyon
Isa ang moral turptide sa mga grounds sa disqualification ayon sa Section 12 ng Omnibus Election Code:Any person who has been declared by competent authority insane or incompetent, or has been sentenced by final judgment for subversion, insurrection, rebellion or for any offense for which he has been sentenced to a penalty of more than eighteen months or for a crime involving moral turpitude, shall be disqualified to be a candidate and to hold any office, unless he has been given plenary pardon or granted amnesty.
Matapos ang pananahimik, inaakusahan ngayon ni Ferolino si Guanzon ng pag-iimpluwensya sa kanyang desisyon sa Marcos disqualication case.
“[Guanzon] also consistently took liberties in telling me to adopt her opinion… she is trying to influence my decision and trying to persuade me to her direction,” wika niya sa isang liham na naka-address kay Comelec chair riff Abas.
“There was no internal agreement between and among the First Division Commissioners that the promulgation of the resolution is set on 17 January 2022. It was the presiding commissioner herself who set that date and imposed the same upon me and Commissioner Marlon Casquejo.”
Si Casquejo ay isa sa tatlong komisyoner na humahawak sa kaso ni Bongbong, kasama sina Guanzon at Ferolino.
Nananawagan ngayon ang sari-saring grupo gaya ng Bayan Muna party-list, Campaign Against the the Return of the Marcoses and Martial Law, atbp. na mailabas na ang desisyon pagdating sa petisyon laban kay Bongbong, lalo na’t nagdudulot daw ito ng duda sa poll body.
Dagdag pa ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi na dapat ipagpaliban pa ang promulgation upang mabigyan ng sapat na oras ang mga partido na umapela sa Korte Suprema kung sakali. (Daris Jose)
-
Kumayod nang husto para sa mga pangarap: TEEJAY, marami ring pinagdaanan na hirap sa buhay
UNANG beses na napanood ni Teejay Marquez ang pelikula nilang “Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)” sa special screening nito noong Agosto 27 sa Cinema 1 ng SM Megamall. Ang una naming itinanong kay Teejay ay kung ano ang naramdaman niya matapos mapanood ang pelikula. Lahad niya, “Siyempre nakatutuwa and […]
-
40-K sundalo idi-deploy ng AFP nationwide para magbigay seguridad
MAHIGIT 40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections. Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang deployment ng mahigit 40,000 sundalo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay para imonitor […]
-
Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, walang ‘input’ sa gov’t appointments- PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang ‘input’ ang kanyang asawa na si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa mga appointments na kanyang ginagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon. Tinanong kasi ang Pangulo kung may ‘kamay’ din ba ang Unang Ginang sa kanyang mga napipili bilang miyembro ng kanyang official family. “Zero, she really […]