• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sabong balik-ruweda na; pagkakaisa ng gamefowl associations kinilala ng GAB

SA unti-unting pagbabalik ng sabong (cockfighting), nananalaytay muli ang sigla ng mga Pinoy na nakasandal sa industriya at naisakatuparan ito dahil nagkaisa at nagtulungan ang lahat ng indibidwal at grupo na kaagapay sa kabuhayan ng sambayanan.

 

Mismong si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang per- sonal na nagpasalamat at nagbigay ng pagkilala sa local breeders, feed millers at veterinary association representatives sa isang payak na programa kamakailan.

 

“We understand that these associations have different interests; thus, we are really grateful to them for heeding our call to work together towards the resumption of cockfighting in the country,” pahayag ni Mitra.

 

Ipinagkaloob ng GAB ang certificates of appreciation kina Dr. Eugene Mende (President of Philippine Veterinary Drug Association), Dr. Bernard Baysic (Philippine Veterinary Medical Association), Mr. Albert Irving Uy (Thunderbird-UNAHCO), Ms. Ma. Stephanie Nicole Garcia (President of Philippine Association of Feed Millers), Mr. Arnel Anonuevo (Kasama Agri Products and Services), Mr. Mark Lopez (Lakpue Drug Inc. ) at Ms. Vicky Tobiano-Chu (Progressive Poultry Supply Corp.).

 

Kabilang ang sabong sa sektor na pinadapa ng COVID-19 pandemic matapos isailalim sa com- munity quarantine ang kabuuan ng bansa. Sa pagsulong ng ‘new normal’ bilang pagpapatupad sa ‘safety and health’ protocol ng InterAgency Task Force (IATF), kagyat na nakipagpulong si Mitra sa iba’t ibang asosasyon tulad ng Philippine Veterinary Drug Association (PVDA), Philippine Association of Feed Millers (PAFMI), United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines (UACOOP), International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA), Inc. at kay Mr. Tady Palma.

 

Nitong Oktubre 15, tinanggap ng IATF ang mga isinumiteng programa ng GAB ay pinahintulutan ang pagbabalik ng sabong (cockfighting) sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) at sa masusing paggabay ng local government units (LGUs) sa mga tinukoy na lugar.

Other News
  • Nakatutuwa ang gesture ng kanyang pamilya: BEA, nagluto at ipinakain sa mga kapitbahay na Aetas sa Zambales

    NAKATUTUWA ang gesture ni Bea Alonzo at ng kanyang pamilya.     Sinimulan sa isang cooking vlog kung saan ang mga niluto nila ay ipinakain sa mga kapitbahay niyang Aetas sa farm ni Bea sa Zambales.     “Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” kuwento ni […]

  • Pangulong Maros pinalawig ng 15 taon ang Malampaya gas field contract

    NILAGDAAN  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Renewal Agreement para sa Malampaya Service Contract No. 38 (SC 38).     Ginawa ang ceremonial signing kahapon sa Malakanyang.     Nakasaad sa kontrata ang panibagong 15 taon o hanggang 2039 sa patuloy na produksyon ng Malampaya para sa kuryente sa bansa.     Nabatid na […]

  • SAAN NAPUPUNTA ang MULTANG IBINABAYAD sa mga NCAP VIOLATIONS ng LGUs?

    NANAWAGAN si 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero na “now that the Supreme Court has issued a TRO against the policy, the concerned agencies and LGUs should reimburse the alleged violators the fines collected from them”.     Marahil ay ang Korte Suprema ang makasasagot nyan kapag naglabas na ito ng hatol.  Sa ngayon ay malaking […]