• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Safer and easier” air travel experience, mararanasan ng mga pasahero sa PTB sa Clark International Airport

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na papayagan ng bagong passenger terminal building (PTB) sa Clark International Airport (CRK) ang mga pasahero na i-enjoy ang “safer and easier” air travel experience sa kabila ng umiiral na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay kasabay nang pagbibigay puri sa Department of Transportation (DOTr), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), at sa kanilang katuwang mula sa pribadong sektor para sa “massive” achievement ng pagtatayo ng bagong terminal facility sa CRK.

 

 

“I am pleased that this new terminal building that can accommodate [an additional] 8 million passengers a year kung pupunta sila dito. This is twice the airport’s current average capacity of more than 4 million passengers a year,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pag-inspeksyon sa bagong PTB sa CRK sa Pampanga.

 

 

Ang newly-completed PTB sa CRK ay kauna-unahang hybrid public-private partnership project na nakumpleto sa ilalim ng “Build Build Build” infrastructure program ng Duterte administration.

 

 

Umaasa naman si Pangulong Duterte na mahihikayat ang publiko na i-explore o galugarin ang bansa sa gitna ng pandemya.

 

 

“As we continue to recover from the Covid-19 pandemic and adopt a new normal, may we all look forward to a safer, easier, and more comfortable travel and experience here and in our international airport,” anito.

 

 

Aniya pa, ang bagong terminal building sa CRK ay makatutulong din na i-decongest ang trapiko sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at makapabigay ng maayos na “flying experience” para sa mga local tourists.

 

 

Kumpiyansa naman ang Pangulo na ang local economy “can absorb the number of people coming to visit”.

 

 

Aniya pa, ang bagong pasilidad sa CRK ay makalilikha ng mas maraming hanapbuhay at mapapalakas ang economic activities.

 

 

“This structure before us reflects the administration’s unyielding commitment to improve the quality of life of every Filipino by providing big-ticket infrastructure projects such as this that will improve connectivity [and] mobility, [and] create jobs, as well as economic activities,” anito.

 

 

Ang bagong PTB ay makatutulong na mapataas ang annual operational capacity ng airport ng 12.2 milyon, bukod pa rito ang 8 milyon sa kasalukuyang 4.2 milyon.

 

 

Inaasahan din na makapagpapalakas ito sa economic growth sa North at Central Luzon. (Daris Jose)

Other News
  • WILL FERRELL LENDS VOICE TO AN ABANDONED DOG IN RAUNCHY HEARTWARMING COMEDY “STRAYS”

    FROM the worldwide box-office hit Barbie, Will Ferrell stars in the latest feral comedy movie Strays, a subversion of the dog movies we know and love. Ferrell lends his voice to a naïve, relentlessly optimistic Border Terrier named Reggie who was abandoned on the mean city streets by his lowlife owner, Doug (Will Forte; The […]

  • Sa isang short video na ipinost sa IG: RUFFA, malinaw ang pag-amin at pinagsigawang ‘number 1’ sa puso niya si HERBERT

    ANG official na pag-amin ba ni Ruffa Gutierrez sa noon pa nababalitang romantic relationship nila ng isa sa mga tumatakbong Senator ngayon na si Herbert Bautista ay naganap na sa kanyang Instagram account?     Comment nga ni Tim Yap, “IG Official na.”     Karamihan naman, mga heart emojis ang comment.  Si Bianca Manalo ay […]

  • Leonard bumida sa panalo ng Clippers

    Nagbagsak si Kawhi Leonard ng 28 points at nagdagdag si Terance Mann ng season-high 23 para banderahan ang Clippers sa 122-112 paglunod sa Philadelphia 76ers.     Nag-ambag si Paul George ng 24 points para sa pang-limang sunod na ratsada ng Clippers (31-16).     Umiskor si Tobias Harris ng 29 points para sa 76ers […]