• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Safety Seal Certification, inilunsad sa Navotas

INILUNSAD sa Lungsod ng Navotas ang Safety Seal Certitification program para sa pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards.

 

 

Pinangunahan ni nina Congressman John Rey Tiangco, Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya at Vice-Mayor Clint Gernonimo launching at Ceremonial Awarding nito na ginanap sa Puregold Navotas Branch.

 

 

Ayon kay Cong. Tiangco, ang Safety Seal ay isang pisikal na pagpapakita ng pagsunod ng business establishments sa minimum health standards na required ng gobyerno laban sa pagkalat ng Covid-19.

 

 

Ito ay base aniya sa compliance checklist ng DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI Joint Memorandum Circular No. 21-01 Series of 2021 at ng DILG Memorandum Circular 2021-053.

 

 

Sinabi pa ni Cong. JRT na kabilang ang Puregold, Mc Donalds at Jolllibee sa mga establishments na may Safety Seal sa Lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

Other News
  • DINGDONG at MARIAN, kinumpirma na tuloy na ang bagong project sa GMA na malamang na isang sitcom

    KINUMPIRMA na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, gayundin naman ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na may gagawin na nga silang bagong proyekto sa GMA-7.     Kinumpirma nila ito sa naganap na GMA Pinoy TV Fun Con.  Isang bonggang “Yes!” ang sagot ni Marian nang tanungin sila kung totoong magtatambal […]

  • Truck driver na nakapatay sa mag-ina, inaming nakagamit ng droga

    Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Quirino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, kamakalawa.   Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Del Monte Police, nawalan umano ng kontrol sa manibela […]

  • QC ban sa single-use plastics sa mga resto, hotel sa Kyusi atras Hulyo

    SINABI ng pamahalaan ng Quezon City na inilipat sa Hulyo 1 ang pagpapatupad ng ban nito sa single-use plastics sa mga restaurant at hotel upang magbigay ng mas maraming panahon sa mga establisyimento na i-adjust ang kanilang dine-in logistics.   Ipinagpatuloy matapos ang limang buwan ang enforcement sa ban sa ilalim ng City Ordinance No. […]