• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wright inalay ang panalo kay Bryant

HINDI pa rin maka-move on si Matthew Wright sa pagkamatay ni National Basketball Association o NBA legend Kobe Bryant, magsisiyam na buwan na matapos ang helicopter crash na kumitil sa buhay ng kanyang idol.

 

Araw-araw daw pa ring naiisip ng Phoenix Super LPG guard si Los Angeles Lakers great na yumao noong Enero 26 kasama sa pagbaksak ng eroplano ang anak na si Gianna Marie at pitong iba pa sa Calabasas, California. Kaya sa unang laro ni Wright matapos ang trahedya, hinugot niya ang natatagong Black Mamba mentality.

 

Nagasabog si Wright ng career-high 36 points para akayin ang Fuel Masters sa 116-98 win laban sa Meralco sa restart ng 45 th Philippine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Angeles, Pampanga nitong Lunes.

 

Buhat sa field , 11 of 23 si Wright, 4 for 9 sa labas ng arc at isa lang ang isinablay sa 11 free throws sa 37 minutes at 56 seconds job.

 

“I just wanna dedicate that performance to Kobe,” bulalas ni Wright na may palamuti pang 4 rebounds at team-high 6 assists..

 

Suot ng Fil-Canadian ang Kobe sneakers na plano niyang gamitin buong torneo sa bubble na tatagal hanggang ikalawang linggo ng Disyembre. “I’m gonna wear his shoes for the entire conference and I’ll just try to channel my inner Mamba.”

 

Babalik ngayon ang mga maggagas sa tangkang sundan ang panalo kontra NorthPort na nasilat sa unang salang, 96-89 kontra Blackwa- ter noong Lunes din.

 

Sana Matthew mag-aral ka na ring mag-Filipino ang tagal mon a rin dito sa ‘Pinas. (REC)

Other News
  • 2025 budget, halos P10 billion para sa HMO benefits ng mga manggagawa ng gobyerno

    KABILANG sa P6.35-trillion na panukalang national budget para sa 2025 ay ang alokasyon na nagkakahalaga ng halos P10 billion para sa health maintenance organization (HMO) benefits para sa mga manggagawa ng gobyerno.     “It’s almost P10 billion, or P7,000 per employee. Per year po. Because we [government workers] do not have health maintenance,” ayon […]

  • HEALTH WORKER, RIDER, NABANGGA, KRITIKAL

    KRITIKAL ang isang health care worker at rider nito matapos mabangga ng isang tractor head sa San Andres Bukid, Maynila.       Sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, kinilala ang magka-angkas na biktima na sina Francisco Curay Lacanilao, 50 at Virginia Sanchez Lacanilao, 54, health worker at taga  Sitio Butas Bagumbayan, Caloocan City. […]

  • Yulo tumanggap ng higit P14 milyon cash prize sa Kamara

    TUMANGGAP si Pinoy Olympic gold medalist Carlos Edriel Yulo ng mahigit P14-M cash sa Kamara habang tig P3.5-M ang dalawang boxers na nakasungkit ng bronze medal sa katatapos na Paris Olympic 2024.     “You are our heroes, there is no limit to what we can achieve,” pahayag ni Romualdez.   Ginawaran din si Yulo […]