• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sakaling matuloy sa pagtakbong gobernador: VG MARK, siguradong mababawasan na ang oras para kay KRIS

NAKABALIK na sa Pilipinas ang bagong kasal at butihing Gobernador ng Batangas na si Dodo Mandanas, matapos ang Italian honeymoon nila ng 32 anyos na asawa.

 

 

 

Matunog pa rin ang balita na isa ang 80-year old governor sa mga kinokonsidera bilang bagong Executive Secretary ng Marcos Administration kapalit ni ES Lucas Bersamin.

 

 

 

Bali-balitang magaganap daw ang rigodon ngayong Hunyo, kahit na todo deny si Gov dito.

 

 

 

Ayon pa sa kanya, “you are never too old for marriage or politics”.

 

 

 

Dito raw papasok sa eksena ang Vice Governor ng Batangas na si Mark Leviste dahil siya na ang next-in-line sa posisyon.

 

 

 

Usap-sapan din ang pagkikita ng dalawa kamakailan. Makikita nga sa latest post ni VG Leviste ang pakikipagkamay kay Gov. Mandanas sabay ang mga salitang “sealed with a handshake.”

 

 

 

Mukhang nagkakamabutihan na sila sa mga susunod na hakbang para sa 2025 midterm election.

 

 

 

Ang tanong lang ngayon, kung matuloy ang pagtakbo ni VG Mark bilang susunod na Gobernador ng Batangas paano na kaya sila ni Kris Aquino?

 

 

 

Magkaka-oras pa ba siya sa tuwing kakailanganin siya ni Kris na kasalukuyan pa ring nagpapagamot sa Amerika?

 

 

 

Well, abangan na lang natin ang mga susunod na kaganapan sa love story nina VG Mark at Kris.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PSC tutulungan ang mga national athletes, coaches

    Hindi pababayaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga national athletes at coaches na naapek­tuhan ng pagragasa ng bagyong ‘Ulysses’.   Ayon kay PSC National Training Director Mark Velasco, nakikipag-usap na sila sa mga National Sports Associations (NSAs) kaugnay sa katayuan ng kani-kanilang mga atleta at coaches.   “We are coordinating with the different NSAs […]

  • Crane operator, 2 pa timbog sa P136K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM sa tatlong hinihinalang drug personalties, kabilang ang isang crane operator ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Ariel Ibañez alyas “Arjay”, 34, Jose Dasigan alyas […]

  • Kakulangan sa pagkain, presyo ng bilihin inaasahang tutugunan ni PBBM

    INAASAHAN na ilalatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang solusyon para magkaroon ng sapat na pagkain at masawata ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.   Ayon kay House tax panel chairman, Albay Rep. Joey Salceda, ang pangako […]