Sakop para imbestigahan ang korapsyon sa pamahalaan, pinalawig ni PDu30
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
PINALAWIG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang saklaw ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force na binuo nito para tingnan ang korapsyon sa pamahalaan.
Ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa task force na imbestigahan ang di umano’y korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“It behooves upon me to see to it na itong corruption mahinto or at least maputol nang konti,” ayon kay Pangulong Duterte.
Binuo ng Chief Executive ang inter-agency body noong buwan ng Agosto para imbestigahan ang alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang masamang tinapay kay DPWH Secretary Mark Villar, kung saan ay pinuri pa nga niya ito sa kanyang mga accomplishments bilang isa sa mga ‘key officials’ ng pamahalaan pagdating sa infrastructure program.
Bumuo ng task force ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para tutukan ang mga paratang ng korapsyon sa ahensiya.
“We are looking at some complaints. We will be even more aggressive. Ngayong may task force mas lalo namin tututukan,” sabi ni Public Works Secretary Mark Villar.
Sa kanyang talumpati noong gabi ng Lunes, muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DPWH dahil talamak umano ang korapsyon sa ahensiya, kung saan bilyon-bilyong pondo ng gobyerno ang napupunta para sa mga proyektong pang- imprastruktura.
Pero idiniin ng Pangulo na ang puntirya niya ay ang ilang tauhan ng ahensiya at hindi si Villar, na mula sa isang bilyonaryong pamilya.
“Si Villar mayaman. Sec. Villar maraming pera, ‘di kailangan mangurakot. Ang problema, sa baba. Malakas pa rin hanggang ngayon. ‘Yung mga projects sa baba, ‘yun ang laro diyan,” sabi ni Duterte.
Sa 2019 report ng Commission on Audit sa DPWH, lumalabas na talamak ang over- pricing sa mga proyekto at pinababalik ang higit P431 milyon na patong ng mga contractor.
Isa sa 184 projects na overpriced umano ang rehabilitasyon ng drainage sa Katipunan Street sa Marikina City, na sobra umano ng higit P5 milyon.
Sinita rin ng COA ang delayed at hindi nasimulang mga proyekto, na higit P100 bilyon ang halaga. (Daris Jose)
-
Hangang-hanga at napa-thumbs up si COCO sa ‘Topakk’: ARJO at JULIA, puwede ng tawagin na Action King and Queen ng bagong henerasyon
NATANONG ang aktres at producer na si Sylvia Sanchez kung bakit naging ganun kalakas ang loob nila nang ipasok ang ’Topakk’ na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes sa 50th MMFF. Sa radio interview sa kanya ni DJ Jhai Ho, “ang nagpatapang sa akin ay ang mismong material. Ganun kalakas ang loob […]
-
Unang safety seal sa food company, iginawad ng DOLE
Personal na iginawad ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang unang safety seal certification ng labor department sa CDO Foodsphere, Inc. noong Hunyo 18, 2021 sa Valenzuela City. Ang CDO Foodsphere, Inc., na ang pangunahing produkto ay CDO easy to cook homemade meal, ang unang manufacturing company sa Pilipinas na ginawaran ng […]
-
PSC, CHED kapit-kamay para sa collegiate sports
AAYUDAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Commission on Higher Education (CHED) upang maiangat ang mga coach, sports official at collegiate athlete. Kapopormalisa lang kamakailan ang isang Memorandum of Agreement (MoA) na nilagdaa nina PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez at CHED Chairperson J. Prospero De Vera III. “We at PSC, are […]