Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program.
Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement Program (RCEP) ng PNP.
Ipapatupad ang RCEP sa loob ng 10 taon na sisimulan sa 2022.
Nabatid na sinuportahan din ng Senado ang paglalaan ng P20 bilyong pondo kada taon sa mga proyekto ng PNP para sa taong 2022 at 2023.
Kakailanganin aniya ng average na P11 bilyong pondo sa susunod na walong taon para ma-modernize ang PNP. Kabilang dito ang konstruksiyon o ang pagpapatayo ng 400 police stations na kasalukuyan ay nakapuwesto sa mga lupang hindi naman pag aari ng PNP.
Sakop din ng proyekto ang improvement sa mga crime laboratories, training institution sa mga probinsya, training institution, barracks facility at mga ospital.
Kasama rin sa programa ang mga baril at assault rifle na ipapamahagi sa mga pulis, gayundin ang apat pang helicopters at apat na fixed wings para sa PNP Air Group. (Daris Jose)
-
Salceda, hindi hihingin ang pagbibitiw ng Tourism secretary
ITO ANG tinuring ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) kasunod na rin sa mga panawagan na magbitiw sa puwesto si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco bunsod na rin sa naging kapalpakan sa launching ng bagong campaign video ng ahensiya. Sa halip aniya ay dapat pagtuunan ng pansin ang gagawing hakbang […]
-
Pinuri ang ginawang vlog kasama si Maricel: NADINE, may na-realize at grateful sa mga pinagdaanan sa buhay
IBANG-IBA ang excitement ng Kapuso star na si Beauty Gonzalez na ngayon ay nagsisimula ng mag-taping para sa GMA sitcom nila ni Senator Bong Revilla, ang “Walang Matigas na Mister sa Matinik na Misis.” Halatang enjoy si Beuaty sa role niya bilang Misis ni Sen. Bong na isang Bisaya. Happy rin siya sa cast, not […]
-
Umaatras sa bakuna ‘di pipiliting magpaturok – DOH
Tiniyak ng Department of Health na hindi nila pinipilit ang mga taong umaatras sa bakuna laban sa COVID-19 sa mismong araw na sila ay tuturukan. Ginawa ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pagtiyak matapos murahin at tawaging hambog ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ayaw magpabakuna. Ayon kay Vergeire, mayroon talagang […]