• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Salarin sa ‘luto’ hindi matunton ng PBA

Hindi matunton ng PBA ang may sala sa “luto” remarks.

 

Kaya naman nagbabala si PBA commissioner Willie Marcial sa lahat ng koponan na iwasan ang anumang hindi magagandang statement habang nasa laro.

 

Dahil sa oras na muling may lumabag, isang mabigat na parusa ang nakaabang sa salarin.

 

Bantay-sarado na ng PBA ang bawat anggulo ng court maging ng table official upang mabilis na mahuhuli ang sinumang lalabag sa patakaran.

 

Nagulantang ang lahat nang madinig sa telebisyon ang “‘Ref, lutung-luto to ah” habang nasa kasagsagan ng fourth quarter ang laban ng Meralco at Barangay Ginebra sa Game 3 ng best-of-three semifinals series noong Linggo sa Clark, Pampanga.

 

Itinanggi ni Meralco player Reynel Hugnatan na siya ang salarin.

 

Dahil walang matukoy ang PBA, palalampasin na lamang ito ng liga.

 

At sa oras na muling may lumabag, siguradong hindi na ito makalulusot sa parusa.

Other News
  • Ads October 15, 2020

  • Advance Tickets for Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder Now on Sale

    THE God of Thunder returns to the big screen with the local theatrical release of Marvel Studios’ “Thor: Love and Thunder,” the fourth installment in the Marvel Cinematic Universe’s ‘Thor’ saga.     Marvel fans can now buy their tickets in advance by checking the show timings at https://movies.disney.ph/thor-love-and-thunder and at the cinemas nearest them. […]

  • Mahigit 8M, mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination day

    UMABOT sa 8, 014, 751 ang mga nabakunahan sa katatapos lang na 3 day Bayanihan, Bakunahan.   Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, na ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3.   Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na […]