• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Salary adjustment sa 2023 siniguro ng DBM

TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa  susunod na taon.

 

 

Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno.

 

 

“The Department of Budget and Management (DBM) wishes to note that the last tranche of the modification of the salary schedule for civilian personnel pursuant to Republic Act No. 11466 or the Salary Standardization Law V will be implemented in 2023. Hence, government employees concerned will have another salary adjustment by next year,” ayon sa DBM.

 

 

Idinagdag ng ahensiya na anumang pagtaas sa suweldo ng mga kawani ng pamahalaan ay kailangang dumaan sa legislative measure.

 

 

At sa sandaling naihain na ang bill ukol dito sa kapwa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, dito ayon sa DBM sila magbibigay ng kanilang inputs , komento  at rekomendasyon.

 

 

Sa ilalim ng  FY 2023 National Expenditure Program (NEP), nakasaad dito na ang “DBM have likewise provided around P47 billion under the Governance Commission for GOCCs (GCG) budget to support the conduct a study on the government compensation structure of the different national government agencies and GOCCs, to, among others, ensure that the compensation of all civilian person el will be generally competitive with those in the private sector doing comparable work to attracr, retain, and motivate corps of competent and dedicated civil servants.”

 

 

Paliwanag ng DBM, huhugutin ang 2023 salary adjustment sa last tranche sa bisa ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5 na ipatutupad sa susunod na taon.

 

 

At sa sandaling naihain na ang bill ukol dito sa kapwa Mataas at mababang Kapulungan ng Kongreso, dito ayon sa DBM sila magbibigay ng kanilang inputs , komento  at rekomendasyon.

 

 

“Parallel to this effort, the DBM, as directed by the Budget Secretary, is also undertaking a review of the rates of the existing benefits being provided to qualified government employees in order to assess if these may need adjustment in the future,’ ayon sa DBM.

 

 

“On the grant of gratuity pay to job order and contract of service workers, the DBM is preparing the corresponding executive issuance for the purpose, which will be endorsed to the Office of the President for consideration,” lahad nito. (Ara Romero)

Other News
  • DOE, nanawagan nang mabilis na rollout ng electric vehicles

    NANAWAGAN ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.     “The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang […]

  • ISOLATION POLLING PLACES, PLANONG ILAGAY

    NAGPAPLANO  ang Commission on Elections (Comelec) na maglagay ng isolation polling places para sa mga botante na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan, sinabi ni Commissioner Aimee Torrefranca-Neri nitong Huwebes.     Sinabi ni Neri sa isang pulong balitaan na ito ay kabilang sa mga hakbang na pinag-iisipan ng Comelec para matiyak […]

  • PDU30 nagpabakuna na!

    Nagpabakuna na noong Lunes ng gabi  si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 gamit ang China-made Sinopharm vaccine, ayon sa kanyang longtime aide na si Sen. Christopher Lawrence “Bong”Go.     Ipinakita ni Go ang pagpapabakuna ng Pa­ngulo sa pamamagitan ng livestream sa Facebook.     Si Health Secretary Francisco Duque ang nagturok kay Duterte […]