• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot

NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana.

 

 

Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat sa magkabilang mga.

 

 

“Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay nanawagan sa Colegio de San Juan de Letran-Manila, University of Santo Tomas rowling Tigers, PBA coaches and players, Toyota Tamaraws, Crispa Redmanizers and Ginebra San Miguel teams baka po pwede matulungan natin si ‘The Lastikman’ Terry Saldaña. Hindi po naging maganda buhay after basketball,” salaysay nang nagmalasakit sa basketbolista na si Lopez.

 

 

Sa 18 taon sa PBA nakadalawang beses na paglalaro si Saldaña sa Gilbey’s Ginebra San Miguel noong 1983-87 at 1997-98. Kasama siya sa Gin Kings na nagkampeon sa 1986 Open Conference at 1997 Commissioner’s Cuip.

 

 

Nakakuharin siya  siya ng tigalawang kampeonato sa Toyota Super Corollas (1982 Reinforced at Open Conferences), at sa Pop Cola/Diet Sarsi/Swift noong 1992 (Third Conference) 1993 (Commissioner’s). (REC)

Other News
  • Ads September 28, 2020

  • ‘Di nakaligtas sa intimate love scenes sa ‘Habangbuhay’… ELISSE, aminadong selosa kaya ia-approve muna ang tatanggapin ni MCCOY

    MATAPOS ang halos tatlong taon, muling magsasama ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang Habangbuhay.     Handog ito ng Vivamax at available for streaming sa April 22,2022.     Gumaganap si Elisse bilang Bea. Dahil sa sakit na Common Variable Immune […]

  • DOTr, MMDA paiigtingin ang transport, road security sa araw ng eleksyon

    MAGSASANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na paigtingin ang security measures sa lahat ng lansangan at public transportation kapag bumoto na ang mga Filipino sa darating na Lunes, Mayo 9, araw ng halalan sa bansa.     Inanunsyo ng DOTr ang muling pagbuhay sa “Oplan Byaheng Ayos: Implementation of […]