• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saldaña pinamamalimos para sa pagpapagamot

NASA hindi mabuting kalagayan sa kasalukuyan six-time Philippine Basketball Association (PBA) champion at two-time Barangay Ginebra San Miguel player Antero ‘Terry’ Saldana.

 

 

Ipinaskil sa Facebook page nitong Linggo ni Gil Boylie Ibasan Lopez, ang kaawa-awang sitwasyon ng 63 taong-gulang na, 6-3 ang taas na ex-pro kung saan nasa wheelchair na may mga sugat sa magkabilang mga.

 

 

“Magandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay nanawagan sa Colegio de San Juan de Letran-Manila, University of Santo Tomas rowling Tigers, PBA coaches and players, Toyota Tamaraws, Crispa Redmanizers and Ginebra San Miguel teams baka po pwede matulungan natin si ‘The Lastikman’ Terry Saldaña. Hindi po naging maganda buhay after basketball,” salaysay nang nagmalasakit sa basketbolista na si Lopez.

 

 

Sa 18 taon sa PBA nakadalawang beses na paglalaro si Saldaña sa Gilbey’s Ginebra San Miguel noong 1983-87 at 1997-98. Kasama siya sa Gin Kings na nagkampeon sa 1986 Open Conference at 1997 Commissioner’s Cuip.

 

 

Nakakuharin siya  siya ng tigalawang kampeonato sa Toyota Super Corollas (1982 Reinforced at Open Conferences), at sa Pop Cola/Diet Sarsi/Swift noong 1992 (Third Conference) 1993 (Commissioner’s). (REC)

Other News
  • PNP sinuspinde ang ‘BMI policy’ sa pagdidyeta bilang requirement sa promotion ng mga pulis

    Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis.     “I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar.     Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando […]

  • DOH pinag-iingat ang publiko vs pekeng contact tracers ng COVID-19

    Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga nagpapanggap na miyembro ng contact tracing team ng ahensya para sa close contacts ng COVID-19 cases.   Sa isang advisory sinabi ng kagawaran na nakatanggap sila ng mga ulat ukol sa ilang nagpakilalang contact tracers na nanghingi ng personal na impormasyon at pera sa […]

  • Petecio, Paalam swak sa Summer Olympic Games

    TUMAAS na sa anim ang mga magiging pambato ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ginambala ng Covid-19 kaya naurong sa parating na Huly 23-Agosto 8 sa pagkakapasok na rin nina women’s featherweight Nesthy Petecio at men’s flyweight Carlo Paalam bunsod sa mataas na world rankings.     Ipinaaalam […]